Ang nasabing mensahe ay inihayag ni Lim matapos ang ginanap na proclamation rally sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang talumpati ay hinamon ni Lim si Atienza na ipaliwanag ang overpricing ng redevelopment sa Plaza Miranda sa halagang P50 milyon. Sinabi ni Lim na ayon sa isang grupo ng kilala at respetadong engineers at architects, ang estimated cost nito ay dapat na nasa P10 milyon lamang.
Samantala, ang mga parol umano na ginamit noong Kapaskuhan ay nagkakahalaga lamang ng P700 bawat isa subalit ang siningil ni Atienza sa lungsod ay P7,800 kada parol.
Sinabi rin ni Lim na ang mga bagong streetsign posts ay binayaran ng pamahalaang lokal ng P30,000 bawat isa habang ang towing company na ginamit ni Atienza ay nagre-remit lamang ng P200 sa City Hall para sa bawat mato-tow na sasakyan. (Ulat ni Andi Garcia)