Ayon kay Belmonte, pangunahing suliranin ng Metro Manila ang problema sa trapiko, kaya napakahalaga aniyang matutunan ng mga kabataan ang tamang alituntunin dito.
Naniniwala si Belmonte na bukod sa masikip na trapiko, aksidente rin ang hatid ng kawalan ng kaalaman ng tamang batas tungkol dito.
"Nakikita naman natin na kahit na naka-go signal pa ang mga sasakyan, panay ang tawiran ng mga tao. Pero ang mas malungkot dito, maraming tsuper ang di nakakaalam kung anong ibig sabihin ng mga traffic signs at mga batas trapiko," ani Belmonte.
Partikular na binanggit ni Belmonte ang nangyari kamakailan nang hulihin ng isang babaeng MMDA traffic enforcer si Justice Sec. Hernando Perez dahil sa plate number nitong 6 na ginagamit ng mga cabinet secretary.
Dahil dito nanawagan si Belmonte sa MMDA na i-seminar nang mabuti ang mga traffic enforcers at upang mabatid ng mga ito kung ano ang ibig sabihin ng isang numero sa plaka na di kasama sa motor vehicle reduction scheme.
Buko sa pagtuturo ng batas trapiko, kailangan din umanong mas maging istrikto ang mga traffic enforcers ng lungsod upang madisiplina ang mga drivers. "Mahalagang ipatupad ng mahigpit ang Traffic Rules and Regulations upang mawala na ang violators". (Ulat ni Malou Rongalerios)