QC Hall of Justice, nasunog

Isang sunog ang sumiklab sa ikalawang palapag ng Quezon City Hall of Justice, kahapon ng umaga na tumupok sa Judges Lounge.

Nahagip rin ng sunog ang sala nina Judge Diosdado Peralta ng Branch 95 at Judge Lucas Bersamin ng Branch 96 ng QC Regional Trial Court.

Wala namang iniulat na nasugatan sa nasabing insidente na nagsimula dakong alas-10:07 ng umaga. Inaalam na ang halaga ng pinsala sa ari-arian. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments