Ito ang nabatid kahapon kay dating Albay Congressman Edcel Lagman, nakatatandang kapatid ni Ka Popoy sa isang ambush interview sa Camp Crame.
Gayunman, tumanggi ang dating Kongresista na tukuyin kung saang bansa magmumula ang mga pribadong dayuhang imbestigador na hihilingin nilang mag-imbestiga sa kaso.
Ayon kay Lagman, naniniwala siyang ang pagpaslang sa kaniyang kapatid ay kagagawan ng mga dating makakaliwang grupo na ngayoy naging mga mersenaryo at ginagamit ng isang grupo.
Sinabi ni Lagman na dapat palawakin pa ng pulisya ang pag-iimbestiga sa pagkakapatay ng mga pinaghihinalaang hired killers sa kanyang kapatid dahilan may hinala siyang may tunay na mastermind sa kaso at itoy nagtatago lamang.
Binigyang diin pa ng dating solon na habang tumatagal ay lalong nahihirapan ang mga imbestigador na imbestigahan ang kaso kayat kailangan na talaga ang tulong ng mga pribadong imbestigador. (Ulat ni Joy Cantos)