Naaresto ang mga suspek na sina John Ali Kulam Naaser, 22; Jun Torres, 38, driver at Yolanda Francisco, may-ari ng tindahan na pawang nakatira sa Everlasting st., Payatas, QC matapos ituro ng batang itinago sa pangalang Jericho, 9 anyos, grade 1 pupil ng Payatas Elementary School. Si Jericho ay naunang naaresto bandang alas-6 ng umaga kahapon sa harap ng McDonald store sa Payatas area.
Sinabi ni Jericho na inutusan lamang siya ng mga suspek na magbantay sa harap ng naturang food chain at hintayin ang isang lalaki na kukuha ng plastic bag na naglalaman ng 300 gramo ng shabu.
Subalit sa halip na ang buyer ng shabu ang dumating ay isang pulis ang kumuha ng plastic na naglalaman ng shabu saka inaresto ang batang si Jericho na nagturo naman kung sino ang nag-utos sa kanya para dalhin ang naturang droga hanggang sa arestuhin ang tatlong suspek.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Dangerous Drugs Law laban sa mga ito. Ang batang si Jericho ay nasa pangangalaga naman ng Department of Social Welfare and Development. (Ulat ni Rudy Andal)