Empleyado nagpasagasa sa tren dahil kay Erap

Dahil sa pagkadesperado hinggil sa hindi pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Estrada, isang umano’y anti-Erap na empleyado ang nagpasagasa sa tren, kamakalawa ng gabi sa Bicutan, Parañaque City.

Nagkaputul-putol ang katawan at namatay noon din ang biktimang si Christopher Bautista, 30, empleyado ng Centennial Plastic Corp., nakatira sa #53 A.M. Tanyag st., Zone 6 Signal Village, Taguig, MM.

Nabatid sa nakalap na impormasyon mula sa ilang kaibigan ng biktima na isang anti-Erap ito at dinibdib umano ng biktima ang hindi pagbibitiw ng Pangulo.

Kamakalawa dakong alas-11:55 ng gabi ay nakita nila si Bautista na nakaupo sa riles at ng dumating ang isang tren ng PNR na galing ng Alabang ay bigla itong dumapa at nagpasagasa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments