May 3.5 percent ang iniungos ni Belmonte sa hanay ng mga kakandidato sa pagka-alkalde sa Quezon City na sina actor Rudy Fernandez (3rd place), Chuck Mathay (2nd place), na anak ni incumbent Mayor Mel Mathay at Congressman Dante Liban (4th place).
Nabatid na ang "Serbisyong Bayan" project ni Belmonte ang nagbigay ng malaking puntos sa kanya para manguna sa naturang survey.
Ilang mga paaralan, lansangan, mga barangay halls at clinics ang naipagawa ni Belmonte sa Quezon City habang siya ay nanunungkulan bilang representative ng 4th District ng lungsod.
Ang survey na isinagawa mismo sa tanggapan ni Mayor Mathay ay mula sa may 1,000 residente ng lungsod bilang respondent.
Bagamat walang pormal na pagpapahayag si Belmonte na kakandidatong Mayor ng Quezon City ay marami ang nanawagan na tumakbo ito sa darating na May 11 elections dahil naniniwala ang mga ito na higit na mapapabuti nito ang kabuhayan ng mga taga-lungsod dahil naipakita na niya at naipamalas ang pagseserbisyo sa mga napasimulan nitong programa na ipinatutupad sa QC. (Ulat ni Angie dela Cruz)