Text message; Greenbelt pasasabugin

Bobombahin umano ngayong hapon ang bagong gawa na Greenbelt Cinema sa Makati City.

Ito ay ayon sa mga kumalat na text messaging kahapon ng umaga at hindi mabatid kung saan nagmula at kanino nanggaling.

Batay sa nakasaad sa mga kumalat na text messages "Stay away from Makati, particularly at Greenbelt 4, there a planned bombing at Cinema 3, 4 pm. Advise your friends and family. Pls. Don’t ignore this!"

Hindi naman binalewala ng Makati PNP ang nasabing text message kaya’t nakaalerto ang mga ito para masiguro ang kaligtasan ng publiko na maraming namamasyal kung araw ng Linggo.

May hinala naman ang ilan na ito ay gawa lamang ng mga negosyante ng cell cards para umano lumakas ang kanilang kita o pagsabotahe sa bagong bukas na sinehan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments