Ang unang hindi pa nakikilalang biktima ay tinatayang nasa 25-30 edad, may taas na 54" hanggang 56", katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi ang kulay at nakasuot ng fatigue short at guhitang kamiseta na kulay tsokolate.
Habang hindi na umabot ng buhay sa magkahiwalay na pagamutan sina Wilson Peralta, 25, may-asawa, obrero, at residente ng Dagat-dagatan, Brgy. Longos, Malabon at Jorge Pendagonda, 21, may-asawa, porter at residente ng Bagong Silang, Brgy. San Jose, Navotas.
Ang unang biktima ay binaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek dakong alas-12:00 ng hatinggabi sa may Guava Road, Brgy. Potrero.
Ang sumunod naman ay dakong alas-2:00 ng madaling araw habang nakikipag-inuman si Peralta sa kanyang mga kaibigan sa Goldfish Alley ay sumulpot ang suspek na nakilala sa alyas na Edgar at walang sabi-sabing binaril ito sa dibdib.
Ang huling insidente naman ay naganap ilang minuto lamang ang nakalipas nang pagsasaksakin si Pendagonda sa Malabon Fishport ng suspek na si Lorlito Petero, 41, fishporter dahil sa ayaw umanong magbayad ang una ng kanyang utang. (Ulat ni Rudy Andal)