Ang suspek ay nakilalang si Yong Jun Lee, tubong Seoul, Korea at pansamantalang nanunuluyan sa room 424 ng Edsa Shangrila Plaza Hotel ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong ala 1:25 ng madaling araw matapos malaman ni Lee na nagseserbisyo ng masahe ang naturang hotel kayat nagpakuha ito ng masahista sa roomboy.
Dito itinalaga ang biktima na itinago sa pangalang Charlot, 28, ng Makati City.
Ilang minuto pa lamang minamasahe ng biktima ang suspek ay nag-umpisa nang humimas ito sa katawan.
Agad na inawat ni Charlot ang suspek at sinabi na masahe lamang ang kanyang serbisyo at hindi pakikipagtalik na nasa isip nito.
Subalit ipinilit ng suspek ang kanyang gusto at hinubaran ang biktima at kinubabawan.
Hindi nasiraan ng loob ang biktima at nanlaban ito sa suspek hanggang sa makawala at makalabas ng kuwarto.
Nakahingi ng tulong ang biktima sa kanyang mga kasamahan subalit nang magsidatingan ang mga pulis ay hindi nila inaresto ang suspek kahit na nagreklamo ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)
PAGTUTUWID
Kabilang sa mga kapit-bahay ni Joseph Estrada na nagra-rally sa San Juan ay sina dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Liwayway Vinzons-Chato at dating DOTC Undersecretary Josefina Lichauco, humihingi po kami ng paumanhin sa pagkakamali na napaulat sa isyu kahapon ng pahayagang ito. Editor