Ito ang napag-alaman kay Manila Vice Mayor Danilo Lacuna na nagsabing ang pag-aaral ay bunga na rin ng namimintong krisis sa basura sa Metro Manila bunga ng pagsasara ng San Mateo-Antipolo landfill.
Ayon kay Lacuna, sa ilalim ng sistema sa Hongkong ang mga basura ay inilalagay sa barges o phorous cement containers at nang dumami na ay ginamit sa pagpapatayo ng makabagong paliparan at highways.
Sinabi ni Lacuna na ang kanyang staff ay nasa proseso na ng pakikipag-ugnayan sa mga eksperto ng Hongkong upang pag-aralan ang posibilidad ng paggamit ng nasabing sistema sa bansa.
Kasabay nito ay umapela si Lacuna sa mga naninirahan malapit sa ilog o estero na huwag gawin basurahan ang kanilang paligid, partikular ang tubig dahil ang ganitong uri ng gawain ang nagiging sanhi ng siltation na dahilan para bumabaw ang tubig na nagdudulot ng mga pagbaha at flashfloods. (Ulat ni Andi Garcia)