Sekyu binoga sa mukha ng agaw-armas

Isang security guard ang nasawi makaraang barilin sa mukha ng sarili niyang shotgun na inagaw ng dalawang lalaki, kahapon ng madaling araw sa Project 8, Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center si Jose Leros, 40, ng Sunset Drive, QC.

Ayon sa report, dakong alas-12:30 ng madaling araw habang nagtatanod ang biktima sa binabantayang establisimiyento sa Congressional Ave., Bahay Toro ng lapitan ng mga suspek at biglang agawin ang shotgun nito.

Nakipagbuno ang sekyu pero naagaw ng mga agaw-armas suspek ang shotgun at ipinutok sa mukha ng biktima saka nagsitakas. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments