Ayon kay Ina Alleco Silverio, public information officer ng KMU, hindi umano isang bayani si Lacson at anila marami itong ipinapatay na biktima.
Tahasang sinabi ng KMU na ang gagawing pelikula ni Lacson ay isang "film distorting reality" habang ang Millenium Cinema ay binuo at itinatag ng pamilya Estrada noong 1999.
"May kasong plunder na nakasampa laban kay First Lady Loi Estrada at sa ibang miyembro ng presidential family at nananawagan kami para sa boykot at suportahan ang nasabing kaso. The movie not only glorifies a human rights violator, its also the production of a company founded on ill-gotten wealth," sabi ni Silverio.
Binatikos rin ng KMU ang aktor na si Rudy Fernandez na siyang gaganap bilang Ping Lacson dahil gagamitin lamang umano ng action star ang nasabing pelikula para sa pre-election campaign sa planong pagtakbo bilang alkalde sa Quezon City. (Ulat ni Ellen Fernando)