Gustong kumalas sa ka-live-in, dalaga ginulpi, hinataw ng bato sa mukha

Isang dalaga na gusto nang makipaghiwalay sa kinakasama ang ginulpi at hinataw pa ng bato sa mukha ng lalaki, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Magang-maga ang mukha na nagsadya sa himpilan ng Women’s and Children’s Desk ang biktimang si Maribel Sasutil, 23, ng #32 Geronimo st., Bgy. Magallanes Village.

Kinilala naman ang suspek na si Francisco Rogers, 23, guwardiya sa Salcedo Village.

Sa imbestigasyon ni PO3 Cecilia Domingo, isang taon nang nagsasama sina Sasutil at Rogers, subalit madalas umanong hindi na umuuwi ng bahay ang suspek, kaya nagpasya ang biktima na puntahan ang suspek sa binabantayan nitong gusali dala ang mga damit ng lalaki.

Sinabi ng babae na nais na nitong makipaghiwalay subalit dahil sa napahiya ang lalaki ay nagalit ito at binugbog ang babae.

Hindi pa nakuntento ay hinataw ng bato ang mukha ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments