Murder vs Factoran III ibinaba sa kasong homicide

Mula sa kasong murder ay ibinaba na lamang sa homicide ng Quezon City Prosecutors Office ang kasong kinasasangkutan ng anak ni dating Environment and Natural Resources Sec. Fulgencio Factoran na pangunahing suspek sa naganap na frat rumble sa University of the Philippines (UP) na ikinasawi ng isang estudyante dito noong Pebrero 10, 2000.

Sa dalawang pahinang resolusyon na ibinaba ni Asst. City prosecutor Francisco Soller, inirekomenda niyang ibaba sa homicide ang murder case laban sa suspek na si Fulgencio Factoran III dahil mahina umano ang testigong iniharap ng mga magulang ng biktimang si Daniel Reyes laban sa akusado.

Bukod kay Fulgencio III, kasama rin sa kaso sina Gil Taway IV at Marcelino Rongo, pawang mga miyembro ng Sigma Rho fraternity. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments