Ito ang napag-alaman mula kay Atty. Ferdinand Valbuena, clerk of court ng RTC Branch 126 matapos na magkaroon ng hearing kahapon ng umaga at payagan ni Judge Luisito Sardillo na simula kahapon, Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3 ay makakapasok ang mga ito sa Eternal Garden.
Kinatigan ni Judge Sardillo ang Temporary Intervention Restraining Order na inihain ng may 200 nakabili ng lupa sa naturang libingan subalit pinagpasa ang mga ito ng mga pangalan na maaaring makapasok sa Eternal Garden kabilang ang kanila na rin umanong mga pamilya na nagnanais na makapasok.
Pinagsusumite rin ng korte sina Lilia Sevilla, asawa nitong si Jose Seelin at pamunuan ng Eternal Garden upang sagutin ang mga kasong isinampa sa kanila ni Alfonso Enriquez, ama ni Laarni Enriquez, na siya umanong nakabili ng malaking lupa sa libingan na siya ngayong hino-"hostage" nito kung kaya’t hindi makapasok ang mga nagnanais na dumalaw sa kanilang mga kamag-anak na namatay na at dito nakalibing.(Ulat ni Gemma Amargo)