Hardinera mucho dinero sa Mega Lotto

Kinubra na ng isang 77-anyos na matandang dalaga na naninilbihan bilang hardinera sa isang pamilya sa Pandacan, Maynila ang P39 million Megalotto jackpot na napanalunan noong October 11 draw na may winning numbers 22, 29, 11, 39, 7 at 33.

Ito ang napag-alaman kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Central Lotto head Arnel Casas.

Dakong alas-10 ng umaga nang kunin nito ang napanalunan kasama ang ilang anak. Mahigit ding apat na taong inalagaan ang naturang numero na pawang birthdate ng pamilya nito.

Bagamat hindi pa umano nito alam ang gagawin sa salaping napanalunan, ito ay ilalagak niya sa banko.

Plano din ng nanalo na mag-ampon ng bata para makasama sa buhay.(Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments