Gaano katotoo ‘to, mga ka-DDS? May planong coup d’etat daw laban sa ating mahal na Pangulo?
Totoo, dahil lang sabi ni Tatay Diging ‘to: -1 point.
Hindi totoo, dahil lang itinanggi ni De Lima ‘to: -1 point.
Hindi ko alam, at magtatanong ako sa mga napatunayang mga source: +1,000 points.
Gaano katotoo ‘to, mga ka-DDS? Hindi daw ninakaw ng mga Marcos ang yaman nila. Ang bilyones na inaamin nilang nasa foreign accounts nila ay galing sa Yamashita Treasure, na nahanap ni Ferdinand Marcos, na wag nating kalimutan?
Totoo, dahil sabi to ng mga Marcos, at hindi sila nagsisinungaling: -1,000 points.
Yamashita Treasure?? Common sense naman, bes. +10 points.
Hindi ko alam, at magtatanong ako sa mga napatunayang mga source: +10 points.
Gaano katotoo ‘to, mga ka-DDS? Sabi sa mga history books ay lumpo si Mabini. Pero bakit may mga nagsasabing elite lang siya at gusto lang niyang magpa-buhat dahil tamad siya maglakad? May gyera, nabuhay siya, pero hindi siya nakakatayo? Ganyan talaga mga DILAWAN. Kailangan nating bigyan ng boses ang alternative media. Anong tingin niyo, mga ka-DDS? Pilay nga ba siya o nagkukunwari lang?
Totoo, sabi nyo eh: -50,000 points.
An artist’s interpretation of a Marcos supporter A. Imelda hairstyle; B. Marcos loyalist brand T-shirt; C. BongBong Marcos ballers; D. Sandro fan sign; E. An informative anti-yellow army flier; F. Historical revisionism (you know how it is)
Hindi totoo, ayon sa maraming napatunayang mga source, lumpo talaga si Mabini: +50,000 points.
Hindi ko alam at wala akong pake sa kasaysayan: -50,000 points.
Gaano katotoo ‘to, mga ka-DDS? Hindi naman daw pala masama ang mga Espanyol sa atin. Napag-initan lang daw sila dahil ‘yung mga Pilipino noon tulad nila Rizal na galing Ateneo ay nag-inarte sa parusang natanggap niya sa mga pari dahil hindi siya umabot sa height requirement ng mga burgis. Ang bagong impormasyon pa ay dilaw raw ang paboritong kulay ni Rizal. Anong tingin niyo, mga ka-DDS?
Totoo, nadala kasi ako sa pagka-sabi mo; parang posible: -10,000 points.
Hindi totoo; mahalin naman natin ang ating bayan: +10,000 points.
Hindi ko alam at wala akong pake sa kasaysayan: -50,000 points.
Gaano katotoo ‘to, mga ka-DDS? Binalak lang pala ng mga Hapon na gumawa ng kooperasyon sa mga bansa sa Asya na tatawaging Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Hindi naman pala masama ang mga Hapon at ginusto lang nilang ipagsama-sama ang mga Asyano sa ilalim ng iisang bandila. Parang si Tatay Digong na matagal nang naghahangad na magkaisa ang mga Pilipino. Hindi ba’t mas magandang di na lang natin siya ibatikos? Tulad ng mga Hapon, maganda naman ang hangarin niya.
Totoo. Sabi ng mga Hapon, eh, at First World country sila: -10 points.
Hindi totoo, alam naman natin na ang daming Pilipinong na-massacre nung World War 2: +50 points.
Hindi ko alam at wala akong pake sa kasaysayan: -50,000 points.
Gaano katotoo ‘to, mga ka-DDS? Hindi naman daw naglanding talaga ang mga Amerikano sa buwan. Ang totoo raw ay nagpa-picture lang sila sa isang studio na pinamukhang buwan dahil natunaw na ang mga astronaut pagkalagpas nila sa mga ulap. Mga sinungaling talaga ‘yang mga Amerikanong ‘yan, eh. Di nakapagtatakang pati ‘yung ‘moon landing’ ay pineke nila.
Totoo. Nakita ko ‘to sa History Channel: -50 points.
Hindi totoo. Ayon sa maraming experto at scientist, nag-landing talaga ang Apollo 11 sa buwan: +50 points.
Hindi ko alam at wala akong pake sa space: -10 points.
Gaano katotoo ‘to, mga ka-DDS? Sabi rito sa bote ng Red Horse, 6.9% alcohol siya. Niloloko ba nila tayo at 93.1% niya ay tubig? Bakit siya tinawag na ‘alcoholic drink’ kung di man lang majority ng drink ay alcohol? Si Presidente Digong nga, nakakuha ng 16 million votes. ‘Yun ang majority. Ang Green Cross, 70% alcohol. Gano’n dapat ang alcoholic drink. Anong tingin niyo mga ka-DDS?
Totoo, dahil naniniwala ako sa usapan ng lasing sa kanto: -1 point.
Hindi totoo, dahil inaral ko ang pormula ng beer: +1 point.
Hindi ko alam; inom na lang tayo: +30 points.
Gaano katotoo ‘to, mga ka-DDS? Kaya raw pupunta ang Coldplay sa Pilipinas ay dahil may dugong Pilipino raw ang bokalista nilang si Chris Martin at magpinsan daw sila ni Coco Martin. Maaaring gusto nilang gawan ng bagong bersyon ang theme song ng show niyang Probinsyano. Ang laki na talaga ng pagbabagong naidulot ni Tatay Digong! Yami!
Totoo. Sambahin natin si Tatay Digong at ibandera ang mga mabubuti niyang nagagawa: -1 point.
Hindi totoo, katarantaduhan ito: +1 point.
Hindi ko alam; inom pa tayo: +30 points.
* * *
Kung kayo po ay na-score ng below zero, mas malamig po kayo sa beer. Mga ka-DDS, ang punto po dito ay wag tayo madala sa lahat ng spekulasyon na nakikita natin sa Internet. Kung may “bias media,” ay may “bias social media” rin. Parehong hindi nakakabuti sa ating bansa. Matuto tayong kumilatis sa impormasyong nababasa natin. Alamin natin ang source at ang ebidensya, at wag mag-like or mag-share hangga’t alam natin ang katotohanan. Sa tamang impormasyon po, at hindi sa nakakalokang spekulasyon, uunlad ang ating bansa. Illustration by Rob Cham