Panatang makabago

MANILA, Philippines - Iniibig ko ang Pilipinas (minsan)

Ito ang aking lupang sinilangan (sigurado ako diyan) 

Ito ang tahanan ng aking lahi (pero minsan iniisip ko mas okey sigurong magpa-puti ako ng kaunti o tumangos ng bahagya ang aking ilong)

Ako ay kaniyang kinukupkop at tinutulungan (ng gobyerno? ... ah, teka, sige, ako nalang siguro ang magsumikap) upang maging malakas, maligaya, at kapaki-pakinabang.

Bilang ganti, diringgin ko ang (angkop at tamang) payo ng aking mga magulang (at mananalig na makauwi na sila mula sa ibayong dagat), tutuparin ko ang tuntunin ng aking paaralan (na medyo struggle sa gamit at guro at minsa’y masikip o walang bubong), tutuparin ko ang tungkulin (nang walang short-cut) ng isang mamamayang makabayan (debatable) at masunurin sa batas (maski na ang mga mambabatas mismo ay... anyway...)

Sisikapin kong (talagang talaga) maging isang tunay na Pilipino (maski na’t hindi ako sigurado kung ano ito, pero sigurado ako na may kinagagawan ito sa aking mga maayos na) nasa isip, salita, at (lalung-lalo na) sa gawa.

Show comments