NBS recommends Filipino teen bestsellers

THE SELECTION: FILIPINO EDITION

By Kiera Cass

P175

MANILA, Philippines -  Ang maging bahagi ng mundo ng magandang kasuotan at mamahaling alahas. Ang manirahan sa palasyo at ipaglaban ang puso ng makisig na si Prinsipe Maxon. Pero para kay America Singer, bangungot ang maging isa sa mga Selected. Kailangan niyang talikuran ang kaniyang lihim na pag-ibig kay Aspen, na nasa mababang caste. Dahil din sa Selection, kailangan niyang iwan ang kaniyang tahanan para harapin ang mahigpit na kompetisyon para sa koronang hindi naman niya inaasam. At nakilala ni America si Prinsipe Maxon. Ibang-iba pala ang buhay na pinangarap niya sa isang hiniharap na kahit sa hinagap niya’y di nakita.

PAPER TOWNS: FILIPINO EDITION

By John Green

P175

MANILA, Philippines - Buong buhay nang minamahal ni Quentin Jacobsen ang kahanga-hanga at adventurous niyang kabitbahay na si Margo Roth Spiegelman. Pero hanggang ligaw-tingin lang ang nagagawa ni Q. Kaya noong minsang inakyat ni Margo ang bintana ng kuwarto ni Q, naka-ninja costume pa itong pumasok sa kanyang bahay at buhay, sumama na siya. Kinaumagahan sa eskuwela, pagkatapos ng magdamag nilang pakikipagsapalaran, natuklasan ni Q na si Margo ay bigla na lang naging isang misteryo. Ilang clue ang natukoy ni Q—at nalaman niyang iniwan ni Margo ang lahat ng ito para sa kanya. Pilit niyang pinagdugtong-dugtong ang mga tali at pisi para matagpuan ang minamahal.

AN ABUNDANCE OF KATHERINES: FILIPINO EDITION

By John Green

P175

Mga babaeng may pangalang Katherine ang tipo ni Colin Singleton. Pero di naman siya tipo ng mga Katherine. Kung bibilangin, sakto labing siyam na beses na siya na-dump ng mga ito. Sa isang road trip na milya-milya ang layo sa kanyang tahanan, mapapadpad itong itong adik-sa-anagram at laos na child prodigy sa isang adventure. May misyon si Colin na patunayan ang kanyang Theorem of Underlying Katherine Predictability, na inaasahan niyang makakahula ng bukas ng anumang relasyon, maipaghihingati ang lahat ng mga Dumpee at makakasungkit ng babaaeng pinapangarap.

LOOKING FOR ALASKA: FILIPINO EDITION

By John Green

P175

Napakaordinaryo ng buhay ni Miles “Tabs” Halter, at lalo lang nakatulong ang hilig niya sa mga huling sinabi ng mga sikat na tao para maghanap sa isang “Dakilang Maaari” (Francois Rabelais, makata). Pumasok siya sa minsang magulo at kapanapanabik na Culver Creek Boarding School, at naging kabaliktaran ng ligtas ang buhay niya. Dahil naroon si Alaska Young. Ang maganda, matalino, mapagwasak sa sarili, baluktok, at kamangha-manghang si Alaska Young. Hihilahin siya ni Alaska sa mundo nito, itutulak patungo sa Dakilang Maaari, at nanakawin ang loob niya.

THE FAULT IN OUR STARS: FILIPINO EDITION

By John Green

P175

Kahit na nabigyan ng ilang taong palugit dahil sa milagrong medikal na nagpaliit ng kanyang tumor, hindi naman talaga naging terminal si Hazel. Ang kanyang huling yugto’y nakaukit pa rin sa dayagnosis. Pero nang biglang magpakita sa Cancer Kid Support Group ang guwapong nagpaliko sa banghay na nagngangalang Augustus Waters, aba’y biglang maiiba ang kuwento ni Hazel nang kumpletong-kumpleto.

Show comments