Dear Tita Witty,
Itago nyo na lang po ako sa pangalan na M. I’m 22. Nasaktan, bumangon at nagsusubok magmahal ulit. Chos. Actually, sumulat po ako para maliwanagan kasi confused ako sa feelings ko for this guy. Never pa naman ako nagkaboyfriend, MU lang pero that MU changed my life drastically na nawalan na ako ng amor sa pag-ibig.
Masyadong mahaba kung ikukwento ko kung paano kami nagmeet pero the moment I saw him, it felt different. Tuwing nagkikita kami parang may something, may sparks ba kung tawagin. Actually, ‘di ko napansin na nagkakagusto na pala ako sa kanya. I started to get confused with my feelings and I ignored him for, like, two years dahil natakot ako na mangyari ulit ‘yung dati. Sabi ng friends ko, iba daw tingin niya sakin. Sabi ko baka tingin lang yan. ‘Wag nating bigyan ng kulay. Until, I fell in love with my idea of him. My friends told me that I should make the move. 21st century na daw, ‘wag pabebe much.
So eto na, last year, birthday niya. I messaged him once and for all para tuldukan ang feelings ko. Nag-confess ako ng feelings ko sa kanya. I got a reply the next day. He thanked me and then I told him that I wasn’t kidding about my confession. Nagkaroon kami ng convo pero wala siyang sinabi about it. Bagong Taon minessage ko siya. Sabi ko, time to move on. Move on daw pero si mokong nag-reply. At nagkaroon kami ng parang instant date chepar this Feb.
Tita, ano po ang gagawin ko? Bibigyan ko ba ito ng kulay or just think of it as a friendly meeting? Mag-move on na ba ako and wait for the right guy to appear? Tita, help. Di ko na alam kung saan ko ilulugar feelings ko sa kanya kasi I still like him.
Nagmamahal,
M.
Dear M,
Between the two of you, mukhang ikaw yata ang mas nag-eeffort. Nangyari na ba na siya ang naunang nag-message? Siya ba ang nag-invite noong Valentine’s? There’s nothing wrong with making the first move, but I’m afraid doing so doesn’t secure what you are to him. Don’t you want someone with an initiative and not just someone who responds to yours? If he really likes you, he would’ve shown some effort by now. Hindi mo ako tatanungin kung bibigyan mo ng kulay dahil siya mismo ang may dala ng So Big crayons in 120 colors.
Yes, you should move on. Huwag mo na rin siyang sabihan kapag nag-decide kang mag-move on. Just do it. I guess you were hoping for a positive response (e.g. mag-confess din siya sa ‘yo, pigilan ka niyang umalis) kaya nagpa-presscon ka pa but now we know it didn’t turn out that way. I also understand na walang on and off switch ang feelings kaya hindi mo ‘yan magagawa agad. You’d have to endure the process. Magme-message ka pa rin sa kanya at 2 a.m. asking kung pangit ka ba at ano’ng mali sa ‘yo. Tapos magre-reply siya nang hindi sinasagot ‘yung tanong mo, pero ang saya-saya mo na kasi kausap mo na naman siya. Tapos magpapakipot ka nang konti the next day at hihintayin mong siya naman ang maunang mag-message. Eh hindi. 2 p.m. na wala pa rin. Natapos na ang “Good morning!”, “Ingat papunta sa office!”, at “Kumain ka na?” moments. Kaya isa na lang ang choice mo: mag-send ng meme. At sasagot siya ng “Haha.” after two days. Kaya ang advice ko sa’yo, huwag mong sundin si Susan Roces. Mahiya kang magtanong kung “Pangit ba ako?”
xoxo,
Tita Witty
* * *
Send in your tatanga-tanga sa pag-ibig questions to deartitawitty@gmail.com. Follow @titawitty on Instagram for more ka-witty-han. Ktnxbye.