Oktubre 31, 2008

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Makakahiligan ang mga klasikal na musika at ito ay makatutulong sa depresyon at problema. Mababawasan ang paghanga ng isang lihim na nagmamahal dahil sa sobra mong kayabangan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 34, 41 at lavender.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Aksidenteng makakasalubong ang dating kasuyo o kaibigan. Iwasan ang muling matukso. Mahal ka pa rin niya sa kabila ng lahat na masakit na ginawa mo sa kanya, kaya lang, mas matimbang ang paghihiganti. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 22, 36 at yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Piliin ang mga taong makakasama. Maaaring mahatak ka ng kanilang negatibong enerhiya o maudyok sa gawaing hindi maganda. Kumplikado ang mag-isip tungkol sa pag-ibig ngayon kaya ibaling sa ibang makabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 27, 40 at pink.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Mapapansin ang pagseselos ng minamahal o mga kaibigan. Magiging sensitibo ang damdamin ng ibang tao sa iyo. Makakamit ang suporta ng mga kasamahan sa isang proyektong isusulong. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 39, 41 at apple green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Maipagbibili ang ilang ari-arian dahil sa kagipitan. Makalilimot sa mga personal na pangangailangan dahil sa problema. Hindi makokontrol ang panghihina ng katawan sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 36, 38 at white.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Isang bagay ang matutuklasan sa taong pinagkakatiwalaan na ikasasama ng loob. Maging parehas sa pakikipag-usap sa taong nakasamaan ng loob. Huwag idamay ang walang kinalaman sa init ng ulo. Pag-aralan munang mabuti ang isang pinaplano hinggil sa solusyon ng problema. Lucky numbers at color for the day ang 9, 26, 33, 45 at cherry red.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Isang kasunduan ang hindi matutupad. Huwag maging mapusok sa larangan ng pag-ibig dahil kapahamakan ang aabutin at pagsisisihan. Madadagdagan ang timbang na lampas sa nais mong taglayin kung walang disiplina sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 28, 41 at lemon green.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Lalala ang nararamdaman dahil sa pagwalang-bahala rito. Madadagdagan ang mabigat nang load sa trabaho at dito ka mapapansin ng iyong boss. Mag-ingat dahil nakatuon ang pansin ng nakatataas sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 25, 42 at sky blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Maaaring matukso ng isang mas bata pa sa iyo na hahantong sa isang relasyon at romansa. Magkakaroon ng lakas ng loob upang ipakita ang matagal nang itinatagong damdamin o saloobin. Mag-ingat dahil may pagsisisihan sa gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 30, 38 at electric blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Maalaala ang minamahal na nasa malayong lugar. Maaari naman siyang i-text o tawagan upang maibsan ang nararamdamang lungkot at pananabik. Iwasang magsugal na maaaring malaking pera ang mapatapon at mawaldas sa walang kabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 24, 31, 39 at orange.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Magkakaroon ng problema dahil sa bawal na relasyon kung hindi aagapan ang pag-iwas. Matinding sakit ang mararamdaman na kailangang malampasan. Huwag malungkot dahil hindi naman pababayaan ng isang kaibigang nagmamalasakit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 18, 34 at pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Mararamdaman ang suporta ng kapamilya sa gagawing pagbabago, gayundin ang kanilang pagmamahal sa kabila ng lahat ng iyong pagkakamali. Balansehin ang lahat ng bagay sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ang 6, 20, 30, 36 at copper red.

Show comments