SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) - Anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan dahil ito ang magiging dahilan ng iyong malaking pagsisisi. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak maglakbay, ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon at negatibo ang magiging resulta. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 24, 30 at pink.
SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) - Mag-relax o mamasyal dahil makakatulong ito para manumbalik ang enerhiya ng sigla at ligaya. Magiging makitid ang iyong isipan kaya iwasang mapikon at madaling mag-init ang ulo. Iwasang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 13, 25 at orange.
CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) - Alam mong tama ka subalit lalong mabuti kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba at sariling kapakanan ang bigyan ng pansin. Harapin ang sariling suliranin dahil mareresolba kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak o plano. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 21, 39 at fuschia.
AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) - Nasa kondisyon at kasiglahan ka at handang harapin ang kahit anong gawain. Magiging masayahin ka na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal. Isa lamang ang dahilan nito at ito ay pag-ibig. Mag-ingat dahil isang kaibigan ang malamang magtraydor o magtaksil. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 12, 28 at cream.
PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) - Ang tunay na kaibigan ay sa ginhawa at kagipitan makikilala. Ngayon mapapatunayan ang tunay na kaibigan dahil gipit at may kailangan ka. Tawag ng panahon upang iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa damayan. Magandang balita dahil magiging maligaya ang tahanan at pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.
ARIES (Mar. 21 - Abr. 19) - Ang tahanan o pinapasukan ang mapagtutuunan ng pansin sa paglilinis. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan nang walang masaktang damdamin. Maghunos-dili at pigilan ang galit nang makaiwas makaharap ng katapat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 25, 31 at lavander.
TAURUS (Abr. 20 - May. 20) - Ang gusto mong mangyari ay madaliin ang paggawa at huwag hintayin na kusa itong mangyari na hindi ginagalaw. Marami kang gustong baguhin ngunit mahihirapan kung ano ang dapat unahin. Kung saan mas matimbang at magaan sa damdamin, iyon ang dapat unang gawin at hindi ka magsisisi. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 31 at light green.
GEMINI (May 21 - Hun. 21) - Huwag na huwag mong pauunlakan kung may manghihiram ng pera dahil magiging dahilan ng iyong galit at pagkainis sa oras ng singilan at magiging mortal na kaaway mo ito. Makinig sa payo, suhestiyon o pag-aralan bago gumawa ng desisyon. Kung hindi tiyak ang sarili kung ano ang dapat gawin, magkunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 30 at gray.
CANCER (Hun. 22 - Hul. 22) - Hindi ka magtatagumpay sa nilalakad kung sa umaga gagawin. Pagkalipas ng tanghalian ang dapat. Magaan ang trabaho at pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balitang masasagap. Maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 29, 35 at ocean blue
LEO (Hul. 23 - Ago. 22) - Malakas ang tiwala mo sa sarili at positibo ang pag-iisip sa mga gawain o ginagawa. Walang suliranin sa pamilya o minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganaan ang tinatahak sa kabuhayan at pag-ibig. Maaliwalas ang buong araw para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 36 at blue.
VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) - Dagdagan ang tiyaga at panalangin upang makaiwas sa bulilyaso na lumalandas mangyari. Maraming pagkakamali ang iyong magagawa ngayon kaya mag-ingat. Hinahon at dahan-dahan ang kailangan. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magiging selosa o seloso. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at green.