SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Kasaganaan ang hatid ng signos. Maaaring maging masagana sa pag-ibig, pagkain, pera o kagamitan. Maaaring walang problema at maaliwalas ang buong araw subalit dapat paghandaan ang darating na bukas. Lucky numbers at color of the day ang 4-8-23-37 at burgundy.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Kung buo ang loob, makakamit ang gusto kung kikilos at ipaiiral ang sipag at tiyaga. Walang makakamit na kabutihan kung mag-iisip na walang ginawa at magmumukmok. Maaaring mabuksan ang tamang landas ng kaunlaran kung nanaisin. Lucky numbers at color of the day ang 11-20-31-45 at orange.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Iwasan ang pamamasyal sa gabi upang maiwasan ang hindi inaasahan. Kung magmamaneho, dobleng ingat ang dapat. Kung may balak maglakbay ay pansamantalang ipagpaliban. Malapit ngayon sa disgrasya. Lucky numbers at color of the day ang 7-12-31-40 at green.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Upang hindi mapasubo, iwasang mapasali sa usapan ng may usapan. Makabubuting manahimik at makinig na lamang. Sadyang normal magkaroon ng suliranin. Sa tahanan, may problemang dapat ayusin tungkol sa kasambahay o kaanak. Lucky numbers at color of the day ang 9-17-21-32 at lavender.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung may alinlangan, dapat ang masinsinang komprontasyon upang matiyak kung buhay ang tiwala o patay na. Huwag basta maniwala sa tsismis o sulsol. Tiyaking nasa katwiran bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 4-17-35-42 at blue.
TAURUS (Abr. 20-May 20) Maging praktikal sa kabila ng pag-aalinlangan sa dapat gawin o hangarin. Ang hindi inaasahang darating ay maaaring kabaligtaran ang mangyari. Ang hindi sukat akalaing mangyari ay posibleng maganap. Lucky numbers at color of the day ang 15-17-23-26 at yellow.
GEMINI (May 21-Hun. 21) Isang Aries o Virgo ang magbibigay ng sorpresa. Kung may birthday celebrant sa pamilya, magiging masaya kung idaraos sa tahanan kasama ang mga barkada, kaibigan at mahal sa buhay. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-10-31 at yellow.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) May hatid na suwerte ang Pisces. Dapat kumilos upang matamo ang biyaya at suwerte. Kung ano ang iniisip gawin, hindi dapat mag-aksaya ng oras upang makamit ang minimithi. Lucky numbers at color of the day ang 4-11-16-28 at beige.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Magkakaroon ng maikling paglalakbay tungkol sa trabaho, negosyo o personal. Inaayunan ng panahon na maging positibo ang resulta ng nilalakad. Kung ano ang nasa isip, gawin kaagad dahil kaunlaran ang naghihintay. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-28-36 at light blue.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Hindi normal kung walang problema. Huwag mag-alala dahil ang taglay na problema ay may kalutasan. Ang tampuhan ng magkasintahan, magkakaibigan o mag-anak ay parang bulang mawawala. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-27-30 at maroon.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Tama ang panahon upang makabawi sa pagod ng nakaraan. Kung day off, masayang manatili sa tahanan at magpahinga. May pagkakataong madalaw ang kamag-anak o kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 1-18-28-32 at gray.