GEMINI (May 21-Hun. 21) May hatid na suwerte ang Virgo. Dapat kumilos upang matamo ang biyaya ng suwerte. Kung ano ang iniisip, gawin kaagad. Hindi dapat mag-aksaya ng panahon upang makamit ang suwerteng minimithi. Lucky numbers at color of the day ang 4-11-16-28 at peach.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Isang Virgo o Capricorn ang magbibigay ng sorpresa. Kung may paanyayang matanggap, mas mabuting sa tahanan na lamang idaos kung mga barkada rin lang ang yumayakag. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-10-31 at electric blue.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Hindi normal kung walang problema. Huwag mag-alala dahil ang taglay na suliranin ay may kalutasan. Ang tampuhan ng nagmamahalan ay parang bulang mawawala. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-27-30 at maroon.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Magkakaroon ng maikling paglalakbay. Inaayunan ng panahon na maging positibo ang resulta ng nilalakad. Kung ano ang nasa isip ay gawin kaagad dahil kaunlaran ang naghihintay. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-29-36 at royal blue.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Magiging masaya at masigla ang pakiramdam dahil sa pag-ibig. Tamang panahon sa night outing o pakikipag-date. Bigyang-pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 14-22-36-40 at violet.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Angkop ang panahon upang makabawi ng pagod sa mga nakaraan. Kung day-off, magiging masaya kung mananatili sa tahanan at magpapahinga. May pagkakataong madalaw ang kaanak o kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 1-18-28-32 at gray.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Kung buo ang loob, makakamit ang gusto kung kikilos at ipaiiral ang sipag at tiyaga. Walang makakamit na kabutihan kung nag-iisip na walang ginagawa at magmumukmok. Maaaring mabuksan ang tamang landas ng kaunlaran kung nanaisin. Lucky numbers at color for the day ang 11-20-31-45 at red orange.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Sagana ang hatid ng signos. Maaaring maging masagana sa pag-ibig, pagkain, pera at kagamitan. Walang problema at magiging maaliwalas ang buong araw. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 4-8-23-37 at burgundy.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Upang hindi mapasubo, iwasang mapasali sa usapan ng may usapan. Makabubuting manahimik at makinig na lamang. Sadyang normal na magkaroon ng problema. Sa tahanan, may problemang dapat ayusin tungkol sa kasambahay o anak. Lucky numbers at color of the day ang 9-17-21-32 at scarlet.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Iwasan ang night outing o affair upang malayo sa hindi inaasahang mga pangyayari. Kung nagmamaneho, dobleng ingat ang kailangan. Kung may balak na maglakbay, dapat munang ipagpaliban sa ibang araw. Lucky numbers at color of the day ang 7-12-31-40 at orange.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Maging praktikal sa kabila ng pag-aalinlangan sa dapat gawin o hangarin. Ang hindi inaasahang darating ay maaaring kabaligtaran. Ang hindi sukat akalaing mangyayari ay magaganap. Lucky numbers at color of the day ang 15-17-23-36 at lavender.