Abril 15, 2004

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) – Isang Virgo o Capricorn ang magbibigay ng sorpresa, kaligayahan o tulong. Kung may birthday celebrant sa pamilya, magiging masaya kung idaraos ang party sa tahanan kasama ang mga barkada, kaibigan at mahal sa buhay. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-10-31 at electric blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Hindi normal kung walang problema. Huwag mag-alala dahil ang taglay na suliranin ay may kalutasan ngayon. Ang tampuhan ay mawawalang parang bula. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-27-30 at maroon.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Magkakaroon ng maikling paglalakbay. Inaayunan ng panahon na maging positibo ang resulta ng nilalakad. Kung ano ang nasa isip, gawin kaagad dahil kaunlaran ang naghihintay. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-29-36 at royal blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Maging praktikal sa kabila ng pag-aalinlangan sa dapat gawin o pangarap sa buhay. Ang di-inaasahang darating ay posibleng kabaligtaran ang mangyari. Lucky numbers at color of the day ang 15-17-23-26 at lavender.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung may pag-aalinlangan, dapat ang masinsinang komprontasyon upang makatiyak. Huwag basta maniwala sa tsismis o sulsol. Tiyaking nasa katwiran bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 4-17-35-42 at yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
May hatid na suwerte ang araw. Dapat kumilos upang matamo ang biyaya ng suwerte. Hindi dapat mag-aksaya ng panahon nang makamit ang matagal nang minimithi. Lucky numbers at color of the day ang 4-11-16-28 at peach.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Kasaganaan ang hatid ng signos. Maaaring maging masagana sa pag-ibig, pagkain, pera o kagamitan. Maaaring walang problema at maging maaliwalas ang buong araw subalit dapat paghandaan ang darating na bukas. Lucky numbers at color of the day ang 4-8-23-37 at burgundy.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Upang hindi mapasubo, iwasang mapasali sa usapan ng iba. Makabubuting manahimik at makinig na lamang. Sadyang normal magkaroon ng problema. Sa tahanan, may problemang dapat bigyang-solusyon kaagad bago pa lumala. Lucky numbers at color of the day ang 9-17-21-31 at scarlet.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Iwasan ang night outing upang malayo sa hindi inaasahang pangyayari. Kung nagmamaneho, dobleng ingat ang dapat. Kung may balak maglakbay, ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ang 7-12-31-40 at orange.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Magiging masaya at masigla ang araw dahil sa pag-ibig. Tamang panahon sa night outing o date. Sa pag-akyat ng ligaw, masayang sasalubungin ng iniibig at mga magulang, sayang nga lamang at kapos sa panggastos. Lucky numbers at color of the day ang 14-22-36-40 at violet.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Magiging angkop ang panahon upang makabawi sa pagod ng nagdaang araw. Kung day off, manatili sa tahanan at magpahinga. May pagkakataong makadalaw sa kaanak o kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 1-18-28-32 at gray.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Kung buo ang loob, makakamit ang gusto kung kikilos at ipaiiral ang sipag at tiyaga. Walang makakamit na kabutihan kung nag-iisip ng walang ginagawa at magmumukmok. Maaaring mabuksan ang tamang landas ng kaunlaran kung nanaisin. Lucky numbers at color of the day ang 11-20-31-45 at cherry red.

Show comments