Enero 12, 2003

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) – Kahit nasaan ka, pinapasukan man o kung saan, ang iyong konsentrasyon ay wala sa ginagawa kundi nasa isang tao na naging bahagi ng iyong buhay. Huwag nang mangarap lalo pa at gising. Lucky numbers at color for the day ang 12-20-30-41 at sky blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Mapagtatanto ang kamaliang nagawa sa kaibigan. Hindi pa huli upang humingi ng paumanhin at bago pa tuluyang masira ang pagkakaibigan. Walang masama kung aangkinin ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 7-23-31-40 at gray.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Kailangan ang pahinga upang makabawi ng lakas. Huwag pagurin ang sarili sa mga bagay na hindi naman mahalaga. Gamitin sa wasto ang oras at kakayahan. Lucky numbers at color for the day ang 5-16-25-39 at brown.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Makatatanggap ng pabuya sa isang bagay na nagawa. Iba ang tuwang mararamdaman dahil sa hindi inaasahan ang pangyayaring magaganap. Lucky numbers at color for the day ang 4-10-26-33 at tangerine.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Magplano at pag-isipang mabuti bago gumawa ng desisyon dahil malaki ang pagkakataong magkamali. Mahirap magsimula ng walang malinaw na basehan. Walang magandang resultang maaasahan kapag nagkataon. Lucky numbers at color for the day ang 11-21-37-42 at green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Ihanda ang sarili sa mga pagbabagong nakatakdang mangyari. Huwag hayaang umiiral ang takot dahil masisira ang diskarte. Tiyaking matatag ang sarili at huwag agad susuko kahit ano ang mangyari. Lucky numbers at color for the day ang 14-25-31-43 at avocado green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– May mabisa at murang paraan para mapasaya ang sarili. Kailangang magtipid ngayon lalo na’t may pinaplanong malaking pagkakagastusan. Lucky numbers at color for the day ang 2-16-23-45 at red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Panatilihin ang pagkasimple; higit kang kaakit-akit sa katangiang ito. Maraming kaibigan ang matutuwa at hindi mangingiming lumapit dahil sa taglay na katangian. Lucky numbers at color for the day ang 7-14-28-36 at old rose.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Isang kaibigan ang hihingi ng tulong. Huwag siyang pagkaitan kung kaya rin lang. Magiging mabisa ang payong matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 4-18-26-39 at carnation pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Masama man ang gising, huwag hayaang masira ang buong araw. Piliting hanapan ng solusyon upang gumanda ang pakiramdam. Piliting maging abala ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 4-17-25-38 at scarlet.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Maganda ang bakas ng mukha ngayon at masigla ang pakiramdam. Bagamat totoong napagod nang husto nitong mga nagdaang araw, ngayon ay makakabawi at makapagpapahinga. Lucky numbers at color for the day ang 1-16-24-33 at purple.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Pangit man ang maging resulta ng iyong performance, hindi dapat panghinaan ng loob. Makababawi sa susunod kung pagsusumikapan. Lucky numbers at color for the day ang 6-18-27-33 at cream.

Show comments