James Cooper may libreng make-up seminar

MANILA, Philippines - Patuloy na tumutulong ang Hair Asia sa mga Filipino hairstylists and makeup artists para maipakita ang kanilang husay sa mundo. Sa Marso 9, mula ika-9 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi, naka­takdang magpakitang gilas ang libu-libong hair and makeup artists sa Hair Asia’s 20th National Open Championship for Hairstyling and Makeup Competition sa World Trade Center, Roxas Blvd., Pasay City. Ang magiging grand champion ay ma­nanalo ng isang all-expense paid trip to Paris, France upang dumalo sa presti­hiyosong Hair Olympics sa Nobyembre.

Samantala, magkakaroon ng competitors’ brief­ing ngayong araw mula ika 2-4 ng hapon sa World Trade Center. Mayro’n ding free makeup se­minar si James Cooper na maglulunsad ng bagong makeup line, ang Jazzy Collection.

Para sa iba pang information, pumasyal o tu­ma­wag sa Hair Asia Office: 35 Judge Jimenez St., Kamuning, Quezon City na may telepono bilang (02) 926-9480, 415-2742, at 0918-3727575, o mag-e-mail sa hairasia@hotmail.com

Show comments