‘Ang tunay na diwa ng Pasko’

(The following is the Christmas message of President Gloria Macapagal-Arroyo.)

Sa dakilang araw ng pagsilang ni Hesus, bigyang puwang natin sa ating mga puso ang tunay na diwa nito — kapayapaan sa sanlibutan at pagmamahal sa kapwa.

Magiging ganap lamang ang ating pagdiriwang ng Pasko kung tayo ay magiging mapagbigay sa pagdamay at pagtulong sa iba, lalo na sa mga kapus-palad nating kababayan.

Marami rin tayong dahilan upang magdiwang at magpasalamat sa Diyos. We praise the lord for our strong peso, which comes from the confidence of the world in the Philippines and the winning excellence of the Filipino.

Pinatutunayan ng ating malakas sa piso na may kakayahan tayong maabot ng ating mga pangarap, ngunit upang lubusan nating makamit ang ating kakayahan, kailangang magamot ang maysakit nating sistema ng pulitika.

Kaya, sa pagpasok ng bagong taon, ipanalangin natin na nawa’y magtagumpay tayo sa pagbabagong magkakamit ng isang Pilipinas sa halip ng hating Pilipinas. Pagbabagong makakadulot sa higit na maginhawang pamumuhay.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

Show comments