‘It’s Trip Tease!’

It’s no longer ‘Hakuna Matata!’ for DE LEON KING and his Queen. Worried na sila na BAKUNA MATATA... GALAN PA! Lipad na lipad na sila! Kaya puro imagine na lang ... (To the tune of Imagine)

Ano ba yan, babay na ba sa paglalakbay?

Salipawpaw ba’y sa museo na lang bagay?

Ibig sabihin ba puro na lang Boracay

At wala nang Hong Kong, Macau, Japan, Hawaii?

Nayyyy! Why, hanggang walang bakunang hinihintay?

Pa’no na mga sa paglayas naglalaway?

Well, dating gawi pa ri’t huwag malulumbay,

Balikan na lang muna ang mga nilakbay!

Kung bakit ginagawa ito syanga pala,

Wala lang, ako’y nanunukso’t nambubuska

Sapagkat marami dyan ay “byaheng-byahe” na!

IT’S TRIP TEASE! Tayo ay magtiis o magdusa!

Tapos na Japan, Spain at ang Tierra Santa,

Pati cruises nag-cross muli sa alaala,

But “trip” pa rin naman kahit airports ay closed pa,

BAD TRIP nga lang! And “cheap” … gusto mo bang magmura!

Speaking of medyo bad trips meron talaga —

Nung kami ni Eileen nag-cruise Scandinavia,

We were stranded sa isang Baltic Sea na isla —

Visby, Gotland nasasakupan ng Sweden sya!

Binagyo’t inalon yun bang tipong muntik na!

More horrifying nang sa ship may nahulog pa!

Ngek! Pero wala pa yan kung ikukumpara

Sa Pyrenees experience from Lourdes to Espanya!

Sa Papa ko sa Madrid dun kami papunta,

Si Danee Samonte ang nasa manibela,

Ako nun bahala sa direksyon at mapa,

Ako sa mapa … mapapasama pa pala!

Eh kasi the shortest route is a straight line ‘di ba?

Kaya turo ko puro straight tungo Espanya!

Basta naligaw kami’t no more gasolina!

At pagtingin ko sa labas … yelo’t ulap na!

Kasi nga dire-diretso’t hindi napuna,

Nasa isang tuktok ng Pyrenees na pala!

Wala nang tao’t bahay kaming nakikita!

Yun bang dinig na katahimikan kumbaga!

At imposible na kaming magmaniobra,

Kaliwa’t kanan namin noon ay bangin na!

Distansya sa gilid konti na lang pulgada!

Atras o abante? Yan ang aming dilemma!

Syanga pala, langit noo’y dumidilim pa!

Desisyon nami’y abante at bahala na!

Naramdamang pababa’t medyo nakahinga!

Lalo’t makita “ESPAGNE” na karatula!

Naghihiyaw kami at ang saya-saya!

Naglaho na ulap at daan ay patag na!

Nang makausap na unang taong nakita,

Sa aming ikinwento sya ay napanganga!

Sapagkat rutang dinaanan namin pala,

Col d’Aubisque pangalan tandang-tanda ko pa,

Dati raw dinadaanan ng Tour de France sya

But THIRTY YEARS AGO pa huling daan nila!

Nyahhh! Wait, bakit ba puro pang-NGEK-FLIX istorya?

Dun naman tayo sa maganda at masaya —

Syempre para sa akin ang pinaka-UNA

Nung Aurora Borealis ay aming makita!

Hindi lang isa kundi dalawang beses pa!

Kaya lang in that trip ay nag-trip din ako ba!

NADULAS at lumipad dalawa kong paa!

Sa Iceland naging AAAYYY Sabay LANDING talaga!

Ng balakang ko mga three feet ang taas nya!

Kaya “Ice Landing On You” kay Hyun Bin una pa!

That’s why kwentong ito ay bad trip din talaga!

But wait, let’s end this with a prayer na maganda!

Salamuch Dear God sa lahat ng pagpapala —

For the good and ummm … “bad” trips na inaalala

Dahil kung wala, wala ring FLASHBACK hindi ba?

But kaysa Flashback pwede PLEASE BACK-KUNA muna?!

Nang magamit naman aming mga Rimowa!

PUNDE-MIC na kami as in punding-punde na!

No bad trip nga pero puro BED TRIP ang drama!

No slip on ice but SLEEP, OFF EYES naman sa kama!

Show comments