Kung inyo pong mapupuna at mapapansin
Mga kwentong lakbay na ipinararating,
Bihirang mabanggit mga lugar sa atin,
Karaniwa’t karamihan ibang lupain!
‘Wag namang magdamdam at ako’y unawain,
Almost all kasi dito alam naman natin
Na puro may dagat mga bibisitahin!
And don’t forget … THREE TIMES na ‘kong victim of drowning!
Ngek! Kaya nga madalas sa malayo landing!
‘Yun bang maraming buildings … equals many shopping!
But seriously, ilayo n’yo muna sa akin
Ang tubig pwera na lang aking iinumin!
‘Di na inambisyong matuto pa ng swimming!
Swimming na lang sa mahjongg ang pansin nabaling!
May mga ambisyon din s’ya kung tutuusin —
Siete Pares, Escalera … that’s my name and game!
Pero alam n’yo bang may swimming pool sa amin?
Medyo maliit lang s’ya at hindi malalim,
Lublob ako minsan … nagtatawa si Eileen!
Kasi Ang Poet N’yo may SALBABIDA sa scene!
Why ba eh paniniguro lang ‘yun sa akin!
Kayo man ang TATLONG LUNOD nang makatikim!
Kaya nga sa plane, “in case of a water landing …”
Pag-announce ng F.A. hindi ko pinapansin!
Mga beach pa naman sikat ang bansa natin!
Alangan namang puro lang ako sunbathing!
Kaya pass muna’t kung inyong mamarapatin,
Doon muna ako sa maraming gagawin!
Kaya excuse me po at ipagpaumanhin,
Wala akong hilig kahit nga sa buhangin!
Tabing-dagat lang siguro’y magpapahangin,
Sa Waikiki nga nun puro kaway la’t tingin!
Ngunit ito ang hindi n’yo aakalain —Atlantic Ocean SIX DAYS nang aking tawirin!
Ito na nga ba ang aking ibig sabihin —
I don’t hate the dagat … AYOKO lang ng swimming!
THIRTEEN TIMES na akong nag-barko at nag-cruising!
Dinaanan kong dagat ay marami na rin!
Wala akong lula at bilin lang sa akin —
Basta sa malayo lang palagi ang tingin!
Subalit pagpasok ng New Year Twenty-Nineteen,
Kailangan kong samahan ang aking si Eileen
To her sister Joyce and Vic’s 25th Year Wedding,
Bale it’s a sin daw to say NO so … BALESIN!
Ang pangalang Balesin kuno ay nanggaling
Sa pinagdugtong-dugtong na BALETE-ASIN!
Mga 25 minutes from Manila by plane,
Kunsabagay ‘yung renewal naman ang main thing!
Kaya sumama ako kahit alanganin,
Ngunit katagalan sa isla’y nahumaling!
Wari bang tatlong araw ko pa ay nabitin
Pagkat maraming makikita at gagawin!
Tila rin ba sa ibang bansa nakarating —
Italy, Greece, France, Thailand, Indonesia at Spain!
At ang pinakamaganda para sa akin —
May simbahang Panginoon ay sasambahin!
Kaya sa mga lugar na may beach sa atin,
May isang paraan kung ano pipiliin —
Sa tunog kaya ng pangalan n’yo daanin,
Sa ngayon ay BALESIN … tunog kasing BLESSING!