‘Bashed Madame’

Boss Madame (Ryzza Mae Dizon) with Allan K., Vic Sotto and Ang Poet N’yo on the set of Juan For All, All For Juan. She is also our Big Boss when it comes to solving app issues. A cellphone problem snatcher!

Minsan sa Eat Bulaga aking naabutan

Mga female hosts pinagkakaabalahan

Ilang mga “bashers” dating pinapatulan,

Ngunit ngayon na lang ay pinagtatawanan!

 

Nang ‘di kaginsa-ginsa sila’y nilapitan

Ni Ryzza Mae sa kanila’y may katanungan —

“Kayo ba girls ay na-bash na nang personalan?”

Syempre wala pa dahil bashers duwag naman!

 

Sapagkat ‘yang bashers kung talagang matapang,

Papakita mukha at tunay na pangalan!

Mga TANGA-HANGA ang karamihan diyan!

Kapos sa pag-iisip, sa pansin ay kulang!

 

Sa tanong ni Ryzza kami’y nagkatinginan,

Pagkat pagtatanong n’ya ay may nilalaman;

May hibla ba na ito na’y pinagdaanan!

Ibig sabihin na-bash na s’ya nang harapan!

 

‘Di kami nagkamali’t inamin n’ya naman,

Subalit ang matindi nangyari NOT JUST ONCE!

Naturalmente lahat kami ay nag-NGEK-an!

NGEK! At si Boss Madame kwento na’y sinimulan!

 

Sumakay sila ng mommy n’ya ng GRAB minsan

Magmula sa bahay papuntang eskwelahan,

Bahay n’ya sa school ay medyo may kalayuan,

Tila asar daw driver at trapik pa naman!

 

Op kors naka-uniform itong si Boss Madame

Kapag pumapasok sa kanyang eskwelahan,

Kaya ‘di makikilala’t ‘di malalaman,

At malayo sa papel na ginagampanan!

 

Humirit si driver sila napagbalingan,

“Ang layo naman pinili n’yong paaralan!

Sana pinili n’yo sa bahay malapit lang!”

Ngek! Ano ito, driver na nakikialam?!

 

Sagot naman ni mommy na mahinahon lang,

“Eh kasi po’y SCHOLAR itong anak ko d’yan!”

Hirit ni driver ‘di yata naintindihan …

O tanga lang, “Ahhh … SPECIAL ho pala ‘yan!”

 

Ngek! O ‘di ba parang The Barangay Jokers lang?!

But wait, there’s one more … it happened sa GRAB na naman!

At dito nama’y napansin na si Boss Madame,

“Kamukha mo si Ryzza ‘yung sa television!

 

Ang ating bida ay nakatuwaan naman,

Sa tinuran ng driver ay ngumiti lamang,

Hindi s’ya umamin at nagpasalamat lang,

Pero sa driver ‘di pa pala katapusan!

 

“Alam mo hija, MAS MAGANDA ka naman d’yan!

Si Ryzza ANG TABA-TABA’T MAY KAITIMAN!

Si Baste sa paglaki s’ya pa’y uunahan!”

Ngek! At ‘yan nga mga pamba-bash nang harapan!

 

He, he, he … at kung inyo lamang nalalaman,

Si Ryzza Mae kasing tibay ng mga gurang!

At ‘yung mga pangyayari sa kanyang ganyan

Ay waring pang-araw-araw lang na biruan!

 

Dalawang bulilit na aming kasamahan —

Galing nila kaban ng aming kasiyahan!

‘Di sila tinuturing na mga laruan,

Bagkus tunay at mataas aming paggalang!

Show comments