Gurang pa sa lolo ko PEN PEN DE SARAPEN
Subalit sumikat lang ‘yan dito sa atin,
Bakit from Japan sikat so sudden? WA HAPPEN?
‘Yung kay Pikotaro PEN-PINEAPPLE-APPLE-PEN!
Ang simpol-simpol lang para bang “I Have Two Hands!”
May saysay pa ‘yung kay Psy I don’t understand!
Anak ng pating sa buong daigdig nag-trend!
Parang Gangnam! HAW HAW DE CARABAO BATUTEN!
Akalain n’yo ang ikli 45 seconds!
May isa pang message nakikita kong it sends,
Bukod sa powerful talaga Soc-Med my friends,
Na sa Asya marami mga living legends!
Ngunit Ang Poet N’yo matapos siyasatin,
Si Psy sa Gangnam Style ang OPPA ba’y napansin?
PSY-B or flip side lang kay Pikotaro natin —
OPPA naging APPO dinagdagan pa ng PEN!
At nabaon sa “penpainappoappopen,”
Nadiin at naulit-ulit pa mandin!
Kung sinadya man o hindi sino aamin?
Basta ba waring salita’y lucky charm naging!
Tila pa nga “sekswal” dating kung tutuusin!
O style ko lang kahit ano ubrang … “bastusin?”
Ano ba’ng malay n’yo ‘yan ang mensaheng hidden?
A scene in Eden… The Creation is what I mean!
I have a penchant kasi para saliksikin
Ang mga bagay-bagay kung saan nanggaling,
I have penitensya na rin na ito’y gawin —
Na pangitiin kayo’t kiliti’y hanapin!
I have a PEN… si Adan palagay na natin,
PEN is Adam, basta lang ‘wag n’yo nang tanungin!
Kumbaga ano lang s’ya isang symbolism!
I have an APPLE… fruit of the tree that’s forbidden!
But PEN is pensive… lonely, so a rib is taken!
Rib is EVE… Adam’s Apple of the eye and his Queen!
All eyes lang kay Eve, iba hindi tumitingin
Basta ‘wag kainin bawal na pinagbilin!
Actually ang God sila lang ay tine-testing,
Manukso man ‘yung ahas hindi pinapansin,
Until Adam nag-give in sa lambing na tasting!
Dahil sa tikim matamis biglang umasim!
Marami nang nakita after fruit is eaten —
Mga hindi dapat… that’s the beginning of SIN!
The PEN is mightier now… and the gate is open!
PINIPOL na mundo at sins dumami na rin!
PINIPOL… PINEAPPLE… at ‘yun na ang beginning —
Dumami na mga people and human beings!
Pineapple ba means kasalanan is what I mean?
‘Di n’yo ba napansin pag may Pinya… there’s A SIN!