‘Old and new the same pareho’

October 28, Wednesday, pabalik Pinas,

Nakalulan sa PAL, s’yempre nasa itaas,

Nang 36,000 feet ang plane bumabagtas,

36th Year ng Bulaga ‘di nakaalpas!

 

Eh habang hawak ko kasi ang pahayagan

Ng The Philippine STAR at pinapasadahan

Article ng kolumnistang si Kathy Moran,

Nakati-katihan kong lahat ay balikan!

 

Habang binabasa ko kasi artikulo,

Hindi maiwasang manariwa sa ulo

Ang Kalyeserye, ang AlDub at s’yempre ang show,

At linyang, “Para ka namang bago nang bago!”

 

Aba teka, malamang itatanong ninyo

Konek ng linya sa puntong ito ay ano?

Kasi salitang BAGO ay medyo magulo!

Ubra s’yang BEFORE, o de luma! Pwede ring NEW!

 

Ngek! OLD and NEW ang BAGO? Simplehan natin ‘to —

Ganyan kasi Kalyeserye kung titingnan n’yo,

Sinauna’t luma mga aral at payo

Ni Lola sa AlDub na mga bagong tao!

 

Tumama naman sa ibig sabihin ng show

EAT ay tanghalian at isang salu-salo,

Narun si Ryzza at Baste na mga apo

At sumalo mga Lola at s’yempre… Lolo!

 

Masakit mang aminin kami na ‘yung tatlo!

Kaya buong mag-anak kami na’y kumpleto

At sa araw-araw ay nakakasama n’yo

Sa inyong tahanan, sa kalye at sa studio!

 

Habang sinusulat ko ang piyesang ito,

Biglang lumapit ang purser ng eroplano

And gave me Mango Chocolate na gawang Cebu!

Write pa more dahil isa ‘to sa paborito!

 

Yabang aside, mahirap maubusan ako

Ng isusulat about us sa puntong ito,

Sa gaganda’t sa dami ng mga regalo,

T’yak may pag-uusapan luma man o bago!

 

Naisulat ni Kathy isang sinabi ko

35 years ago bata pa Ang Poet N’yo,

Isang dating linya na ngayon ay nabago,

Kumbaga nanganak at humaba na ito!

 

Na habang may mag-syota at ‘di nag-alaga,

Ay hindi malayong mag-alaga ng bata!

At idinugtong ko ang kasabihang luma —

“HANGGAT MAY BATA, MAY EAT, BULAGA!” S’ya nawa!

 

Isa lang paunawa’t magsilbing babala:

‘Di namin sinusulong paggawa ng bata!

At dahil sa pananalig tingin ko pa nga,

Linyang ‘yan naging gabay kung bakit humaba!

 

Nung Decada Noventa na at bandang gitna,

Nakaranas ng pang-aalipusta pa nga,

Mga naging kalaban na bago at bata

Ang sabi, “Wala na ‘yan, puro na matanda!”

 

Hindi kami nasaktan kung ‘yun ang akala,

Bagkus sa totoo kami pa nga’y natuwa!

Umuusad pala kami sa ginagawa

Kahit nga hanggang ngayon kami’y isip-bata!

 

“May pinagkatandaan,” wika nga’t buti nga,

Ito tatandaan n’yo — muli isang babala —

Matanda man at ahas at ang haba-haba,

‘Wag magbiro at bigla kayong mawawala!

Show comments