Napasok n’yo na ba ang Philippine Arena?
Pinakamalaki sa mundo s’ya ay isa!
Nagtanghal kami dun sa aki’y sariwa pa
Ng “SA TAMANG PANAHON” Dabarkads kasama!
Syempre narun din aming prinsipe’t prinsesa —
AlDub — Si Alden at Maine “Yaya Dub” Mendoza,
‘Ganda sana kung nag-McDo commercial sila
Sa Arena at tatawaging MAC ARENA!
Alam ko natawa kayo dahil sa kanta,
Pero sa totoo nung kami’y nagpunta
Dun sa Sevilla sa ibaba ng Espanya,
Nakita ang lumuluhang La Macarena!
She’s The Virgin of Hope o Birhen ng Pag-asa,
Magmula nun sa akin lagi s’yang kasama,
Bilang pasasalamat na rin ng Barkada,
Mula Arena magsisimba sa Akita!
Tom (with Carla and their NBSB co-stars Bangs Garcia and Mike Tan): I have also experienced having a crush on girls who simply acted as if I didn’t exist
Nang sumunod na araw nga ay lumipad na,
Ngunit hindi pa-Narita kundi Haneda,
Paglapag isang sakay ng eroplano pa
Sandali na lang makikita na Akita!
Pagkakain kami ay pinagbibigyan na
Ng sepilyo’t medyas at pantakip sa mata,
Naturalmente pinahiga ko na silya,
Sumunod na eksena misis ko’y natawa!
Eh kasi ‘yung maskara para sa mata,
Imbes mata itinapal sa bibig ko ba,
At sabi ko’y ito ang gamit n’yan talaga
Nang ‘di nakakahiya pag ika’y ngumanga!
Matapos kulang isang oras lumapag na,
B-787 Dreamliner sa Akita,
Next day sa Seitai Hoshikai agad nagpunta
Nang aming masilayan ang CRYING MARIA!
At agad na pumasok sa isang kapilya,
Kauumpisa pa lang ng kanilang misa,
Nang mapansin namin nang ilang sandali pa,
Nagmimisa pala ay taga-Indonesia!
Wala namang kaso kung anong salita pa,
Sa mga paglalakbay nga’y ganyan talaga,
Ingles, Intsik, Pranses, kami na ay nag-misa,
Italyano, Portuges, at nun sa Croatia!
At marami pang iba basta trip nagsimba,
Subalit sa isang ito ako ay napa-“Ahhh…”
At kung bakit nangyari niyapos ko’y siya,
Kung ano man isipin nasa sa inyo na!
Bukod kasing makita Birhen ng Akita,
Pasalamat din tungkol Philippine Arena
Sa kamangha-manghang pangyayari at lahat na,
Tinatanggap naming biyaya’t pagpapala!
Lahat ng nararanasang ngayong maganda,
Sa Kanya at Eat Bulaga nag-ugat sila,
Kung kaya nangingiti habang nagmimisa,
Yes nga pala, may EAT, BULAGA INDONESIA!