“Everything has a reason” sabi nga. This is true.
Hindi lamang isa kundi marami ito,
At sa maraming dahilan ang sa tingin ko,
May isang pinakamalaki papel dito.
Tulad ba nung kung bakit ba napasok ako
Sa ginagalawa’t naging buhay na mundo,
Bukod sa kapalara’t Dios ito’y ginusto,
Malaking naitulong sa’kiy BABY BOOK ko!
Maraming paraan na rin ‘tong naikwento,
Malamang may detalyado na rin siguro,
Ngunit laging nakakatindig-balahibo ---
Nung “nagtagumpay” na biglang naglaho ito!
Sa maikling pagbalik-tanaw gagawin ko
Nang kahit paano’y maunawaan ninyo —
Nung “hindi sinasadyang” nag-audition ako,
Sinabi ko lamang mga laman ng libro.
‘Di ko akalaing maaliw mga tao,
Wala namang masabi’t yun lang ang alam ko,
Hanggang nagpalakpakan na lang buong studio
At natanggap nga sa Bohol Avenue Radio!
“And the rest is history” nga sasabihin n’yo,
At magmula nga rin noon ay napansin ko
Na mapalad ang dating sa aking trabaho
Kung tungkol sa “BABY” ang gagamitin dito.
Kung kaya nga nung pinag-isip mga tao
Ng pangtanghaliang palabas na titulo,
Hindi na nagdalawang-isip Ang Poet N’yo,
Paglaro sa baby --- EAT BULAGA ang boto!
And once again, “The rest is history” number two!
Wow! “History repeats itself” pala ay totoo!
Ngek! Subalit eto pa isang very true —
Do you know in school History ang paborito?!
Hmmm… meron lang babalikan sa nabanggit ko
Para naman kaalaman n’yoy makumpleto —
Tungkol “’Di sinasadyang” audition sa studio,
‘Di talaga’t may nagbiro lang sa lingkod n’yo!
Nung araw na ‘yon ay alalay lamang ako
Sa isang kabarkada pangala’y Alfredo
Na maghatid ng tinahi ng Nanay nito
Para sa isa sa hosts ng lunch show nun dito.
Dahil napaaga naisip ng dos loco
Magpaikot-ikot hanggang mapunta ito
Kung sa’n nagaganap isang audition dito
At naghahanap ng mga mag-aanunsyo.
Korekek, announcer! At kami na’y pumwesto,
May ilang magaling… may agad nate-thank you!
At lingid sa kaalaman ng Ang Poet N’yo,
Pinuslit ni Alfredo sa gwardya ngalan ko!
At nang pangala’y sabihin sa mikropono,
Ako lang ‘di pumansin… lingunan ang tao.
Ba’t ako gagalaw? Ano ba ang malay ko?
Hanggang nasa akin lahat mata sa kwarto!
Nahuli ko na nang makita si Alfredo,
Katabi ang gwardya, Mortera apelyido,
Humahagikhik, nakaturo sa gawi ko,
Tinanggap ko biro… makapal naman ako!
At mula sa likuran ay dinaanan ko
Ang mga bihis na bihis na mga tao,
Dahil may karanasan naman kahit pa’no
Sa pagharap sa madla… eh di LET’S GO SAGO!
Basa… Hmmm, voice and diction naman ay pasado,
Subalit nung dumating na doon sa punto
Na, “PLEASE TELL US MORE ABOUT YOURSELF!” Ngek! O Dios ko!
Ano sasabihin ko? Napasyal lang ako?
Kaya My Baby Book pumasok na nga dito!
At dahil hindi naman marami aming libro,
Paulit-ulit binabasa baby book ko
Kaya saulado lahat ng laman nito!
At nung natapos na ang paglilitanya ko,
Sa gitna ng waring paghahamon sa tao
Na, “HINDI BA MORE ABOUT MYSELF ANG SABI N’YO?!”
Naghalo hiyaw, tawa, palakpak… PANALO!
Tagumpay at pagtanggap ganap nang selyado
Nang aking marinig mga salitang ito —
“MISTER DE LEON… PLEASE REMAIN…” at sa totoo,
Totoo ba ‘to? Eh napadaan lang ako!
Baby Book. Ittt… Bulaga! Dede… de… de Leon!
Ngek! Oo nga! That’s a very clear explanation!
Thumbs suck, este UP pala pag BABY connection!
And my name JOEY… BABY Kangaroo din nga ‘yon!