Lagi bang nauuna ang Question sa Answer?
Lagi bang silang dalawa’y magka-partner?
Hmmm… well, ang sagot ng Ang Poet N’yo ay… No, sir!
May answer nga na wala namang question… sa PRAYER!
Ayos! At nasabi ko na rin dito noon
Na mas marami kasagutan kaysa tanong,
Para ba nung si Eileen ako ay kinuwestyon
Why I love her… ang daming kong answers and reasons!
“Eh kasi… eh ano… ‘yun at ‘yun pa… eh pa’no…”
At kung minsan pa nga sa isang tanong lang mo,
Maraming sagot ngunit tumpak lahat ito!
Like SINO AKO? Joey, Starzan, Ang Poet N’yo!
Teka nga, siguro’y nais n’yo ring malaman
Why ang dami kong tanong tungkol katanungan,
At kung bakit ba sa pambungad pa nga lamang,
My One and Only Love agad pinapurihan?
Kasagutan ay idadaan sa kwentuhan —
Two weeks ago ang Dabarkads ay nagliparan
Patungong Singapore… well, bakasyon… wala lang,
Sa Marina Bay Sands kami’y nag-stay na naman.
Nang sa eroplano na’y nanananghalian,
Habang nasa ibabaw ng Pacific Ocean,
Isang matagal-tagal ko nang katanungan
Ang sumagi na naman sa aking isipan.
“Bakit ba walang Fried Chicken sa eroplano?”
Wala ring sinigang, kare-kare at munggo!
Mga “foods” sa paglipad ay pare-pareho,
But oks lang basta may plain, este plane rice dito!
Kung tanong n’yo kung mainit sa Singapura,
Mas mainit pa at mahirap pang huminga!
‘Di totoo humid pag binaliktad mo s’ya —
HUMID… MIDYU… Anong medyo? It’s hot talaga!
And speaking of hot, isyung mainit eto na —
Maaaring uminit ang ulo talaga
Sa Ang Poet N’yo ng maganda kong asawa!
Pagsulat ko nito’y pinagpaalam ko pa!
Nang s’yay mag-ikot at mag-shopping na mag-isa,
Sa isang mala-Watson’s siya ay napunta,
Agad n’yang napansin na may isang tindera,
Panay ang smile… parang gandang-ganda sa kanya!
Pwera yabang, maganda naman s’ya talaga,
Ang ‘di nga magandang kaso naming dalawa —
Madalas pa ngang mapagkamalang anak ko s’ya!
Ngek! Pero fifteen years lang naman diperensya.
According to her, pagkakatitig sa kanya
Ng tindera ay mula ulo hanggang paa,
At nang ito ay lumapit kaginsa-ginsa,
Inangat ang kamay akmang hihimasin ‘sya.
Sabay sabi, “I HAVE SOMETHING FOR YOUR DOUBLE CHIN!”
Ngek! Ngek! Of course double ngek ang reaction ko rin!
Eileen’s reaction? Smile lang then babay while saying,
“No, thanks! I’m just looking for sanitary napkins!”
He, he, he… at nang makabili na misis ko,
Umalis na s’ya at sa pagtalikod nito,
Nandun muli ang tindera’t humabol pa ‘to,
“I ALSO HAVE SOMETHING FOR YOUR CELLULITE!” Oh no!
At nang kwento kay Jocas na anak namin,
Sa sabi nito muntik batukan ni Eileen!
Buti raw at ‘di sinabi ng tindera ring,
“At your age bumibili ka pa ba ng napkin?!”
Ngek! Sa mga babaing magbabasa nito,
‘Di ko binanggit kung sa’n sa Marina Bay ‘to
Upang nang minsan at magawi kayo dito,
Ma-meet n’yo tindera’t mabiktima rin kayo!