‘Tinapay na sandwich?’

Twenty Fourteen na! Happy New Rin again to you!

More than three weeks pa bago tayo mangabayo

At habang wala pa mang-AHAS muna kayo,

Bakit ganon, tunog bastos pare-pareho?

 

At dahil ahas lang pwedeng mag-korteng uno;

At dahil first week ngayon at ang unang Linggo

At uubra ring maghugis question mark ito,

May isa muna ‘kong tanong para sa inyo.

 

Bakit pare-pareho pansit, ice cream at ham?

Lechon, keso, tuyo at lahat ng klaseng jam?

Ang hotdog at menudo at iba pang ulam?

Kasi lahat ito ay pupwedeng palaman!

 

“ONLI IN DA PILIPINS!” —‘yan nga kasabihan,

Eh akalain n’yo bang sorbetes ba naman

Ipalaman o kaya’y pansit miki-bihon!

‘Sabagay magkikita-kita naman sa t’yan.

 

Ngunit hindi nga dapat kayo mawirduhan

Dahil sa ibang lahi ay meron ding ganyan —

Tulad siopao at cuapao meron nang pangalan,

Ang problema: Tagalog ng SANDWICH kelangan!

 

Sakit ng ulong ‘yay atin nang inabutan,

Ubra nga naisip ngunit ang haba naman —

“Pagkain na sa tinapay nakapagitan!”

O, “Dalawang tinapay na magkaharapan!”

“Pinagsuklob na tinapay na may palaman!”

Ang haba talaga kahit saan mo tingnan!

Tinagalize na nga’t spelling iniba na lang

Na parang sa komiks — SANWITS! Please, ‘wag naman ‘yan!

 

Bakit ba mga ninuno nati’t magulang

Ang bagay na ito’y  hindi napag-isipan?

Pinaka-simple’y “Tinapay na may palaman,”

Mahilig tayong magpahaba ng usapan.

 

Ba’t ‘di gawing style TAPSILOG, may nagtatanong,

“Tinapay Palaman Longganisa” — TIPAKLONG?

Ngek! First and last syllables kaya ikoneksyon?

Pa’no Salmon-Pandesal? Keso-Tinapay? Wrong!

 

ULAPAY? TINULAM? Pwede pero ‘wag na lang,

Lulunin na lang kung ano nakagisnan,

Mga bagong palaman na lang pag-isipan

At tanggapin na lang “sandwich” magpakailanman.

 

Teka, bawat linya sa sinundan may “NA LANG”,

Bakit hindi Tagalog ng sandwich ‘yun na lang?

Tutal ang “NA” sa “TI” at “PAY” nakapagitan

At ang “LANG” naman ay pinagsamang LAMAN NG!

 

Ayan! “Laman Ng Tinapay” iniklian,

Sa wakas, sandwich may Tagalog nang pangalan

Kaya kung cheese sandwich ang makursunadahan,

Simpleng-simpleng sasabihin mo ay, “CHEESE NA LANG!”

 

O ayan, pwede ko nang isigaw ang, “One down!”

At marami pang isasaling Ka-Inglesan

Tulad ng pinsalang dulot ng kalikasan

Na kumakain sa tao at kapuluan.

 

Suggestions to Tagalize “storm surge” ay marami —

May TSU-BALOD at TSU-ALON pang nasabi,

Dahil sukdulan s’ya dapat din ay matindi,

Bakit hindi TSU-SMARYOSEP o AMA-NAMI?

 

Ngek! Pero ang da bes “na lang” para sa akin

Eh di queso de bola’t jamon magkasiping

Pagkat laging Bagong Taon ang iisipin —

Fireworks! Family! New Life! Hope! Happy NA LANG din!

Show comments