Eto na nga’t nagkalabo-labo na
Ang lahat at sino sa pulitika,
Ngunit sa huli sino ba’ng biktima?
Eh di ang kawawang poor sino pa?
Para bang eksena sa pelikula,
Habang nagpapatayan mga bida,
Ang nalalagas kapag natapos na —
Ang kawawang poor na dakilang extra.
Subalit ganyan nga lang ba talaga?
Paulit-ulit na lang ang istorya,
Ibang dahilan para iboto ka,
Bukod sa kawawang poor, wala na ba?
Hay naku at gamit na gamit ka na,
Palagi ka na lang sa paanyaya,
Pero pagkatapos gusto’y makuha,
Ang kawawang poor kinalimutan na.
Salitang “poor” nga kasi, “oo” gitna,
Kaya oo nang oo ang dalita,
Mga pangakong tunay namang wala,
Ang kawawang poor ay naniniwala.
‘Wag na nating sisihin mga bida,
Ganyan lang sila palagi talaga,
Kayo naman titimpla ng takilya,
Kawawang poor talaga ang may sala.
Akalain mo at kayo pa pala,
Sa totoo’y totoo naman ‘di ba?
Laging may kasalanan sa tuwina —
Ang kawawang poor sa ating problema.
Eleksyon na nama’t ano pa nga ba,
Eh di kayo uli ang kontra-bida,
Pag takbo ng bagong gobyerno’y sala,
Bagsakan ng sisi’y kawawang poor na.
Kayo’y magmumura, “Anak Ng P_ _ _!”
Kung ganon naman pala eh ano na?
Sasabit din kahit saan magpunta,
Subukan kayang ‘wag bumoto muna.
Subukan lang nyo’t kayo’y magkaisa
Nang takbo ng lokohan ay maiba,
Bago kayo bumoto at magpasya
Kailangan n’yoy ibigay na muna.
Siguro nama’y kanila ‘tong kaya,
Sa laki ng kanilang ginagasta,
Bago ang boto ibigay na muna
Sa kawawang poor ang gusto nila
Hindi lang “lagay” kundi “bigay” muna,
Ibahin natin ngayon ang sistema,
Naiibang rebolusyon talaga,
Malay n’yo, dito’y matauhan sila.
Narito na ang kakaibang cha-cha,
Cha-Llenge politicians to give muna
And then we give them cha-nce to be our leadah;
Bago natin paitimin ang itlog nila.
Pag nagkagayon at nagawa nila
Ay isang tunay na People Power na
Para sa masa ang matatamasa —
Double “O” sa poor okey na okey na!
Show me the money o show the color nga
Before the vote, show the proof muna bata,
Maganda ito para nga madala
Itong pulitikong maraming dada.
Inyong boto para bigyang-alaga
Isugal na ngayong may pagbabanta
Nang magwakas na pangakong malala;
Higit sa taga habang nakahiga.
Those “promising” politicians ‘ika nga,
Mag-ingat kayo’t magsilbing babala,
Panawagan pag tao’y nagtiwala,
Sino sa inyo tatakbo pa kaya?
* * *
Lintik At May Dalawang Hot Topics
Pinagdedebatehan These Past Weeks,
One Is “The Surveys” Sabi Nga Ni Dick,
“Mag-Survey Na Lang ‘Wag Nang Mag-Elect!”
Ang Isa Naman Ay Ang Problema
Ng Department Of Health And The Church Ba
Tungkol Sa Paggamit O Hindi Na
Ng Condom O “Supot-Os De Goma.”
Bayan Ngayon Ay Napakagulo,
Napakaraming Away At Isyu —
Pigsa, Tigdas, H.I.V., El Niño,
The Paa Of Your Mother All Of You.
Ang “Survey” Noong Bata Pa Ako
Pagsusukat Ng Daan Alam Ko,
Ngayong Nagamit Ng Pulitiko,
Susuka Ka Daan-Daang Libo!
At Ang Dami, Kanya-Kanyang Pulso,
Di Mo Na Alam Sino Totoo,
Say Ng Iba Medyo Delikado,
Sa Diskarte Ay Nakakagulo.
Kaya Nga Kapag Nagkapikunan,
Ang Survey Kanya-Kanya Na Lamang,
Pwede Nang Zero-Hin Ang Kalaban,
That’s Why Endless Talaga Corruption.
At ‘Yung Sa Condom Saka Na Lang ‘Yan,
Gumulo Na Lalo Ang Usapan —
Dati Con-Con, Condom Naman Ngayon,
Ano Ba, Election O Erection?