'Mga kababayan ko. Wala na ang kaibigan ko!'

Mga kababayan ko,

Wala na ang kaibigan ko.

 

Wala na ang magulo

Isang ama sa walo

Magpahanggang sa dulo

Ay ayaw magpatalo

 

At wala na rin pilyo

Kahit kwarenta’y kwatro

Ito ay naka-korto

Mukha lang binatilyo

 

Wala na isang henyo

Wala na rin si gwapo

Pwede mag-inglisero

Pwede ring dilang kanto

 

Wala na si Idolo

May buhok man o kalbo

Dito t’yak ang sagot mo,

“Wala ‘yan sa lolo ko!”

 

Batanes hanggang Jolo

Maging sa buong mundo

‘la na’ng nasyonalismo

Ng ‘tol at Dabarkads ko

 

At nasubukan pagka-makabayan mo

Nang bigyang-pag-alala isang Sabado

At sa paglipad ng mga puting lobo

Mapa ng Pilipinas binuo nito.

 

Mga kababayan ko,

Nasa langit na ang kaibigan ko.

* * *

Aba’t kaarawan na naman pala bukas

Sa pagkakakita sa bansang Pilipinas

Ng mga Portuges at Kastilang may balbas

Four hundred eighty-eight years na nakakalipas.

 

Tayo naman ngayon magpalipas ng oras,

Maglaro ng “Ano kaya?” hanggang kumatas

Mga kuro-kuro at damdami’y lumabas,

Pagkakataon na angas ninyo’y ikaskas!

 

Ano nga kaya’t si Amerigo Vespucci

Ang naligaw dito’t may dalang spaghetti

O si Columbus kaya ang may delivery,

‘Di kaya kay Lapu(twice) sila’y ‘di ma-leche?

 

At kung ‘di naman sila sabihan ng, “bat-si!”

Patuluyin sila at maging sweetie-sweetie,

Eh ‘di ang suerte’t saya ng mga babae —

Fashionista sila; lahat made in Italy.

 

Kaya lang nung gera vibes natin mussolini,

At naturalmente, ang Japan ay kakampi!

at pati Germany! in short, we are family —

Kapamilya? Ngek! Pa’no na raket ng Siete?

 

But seriously, lahat ‘yay malabong mangyari,

Nagbibiro lang po’t ‘di tayo sure nun siempre,

Let’s take up na lang from the killing of Ka Ferdie —

Napasok ba tayo muli o nagpa-pene?

 

Nang mawala si Lapu-Lapu sa eksena,

Para bang nagpagahasa na tayo, ‘di ba?

Pumasok na sari-saring mga parokya —

Ni Dutch at ni Ingles at ni Edgar Hoover pa.

 

Kaya nga nauso salitang “sari-sari”

Dahil sa halu-halong sa ‘tin ay yumari,

Pampalamig na halo-halo ‘pag winari,

Kutsara’y tsak-tsak nang tsak-tsak na parang ari!

 

Alam ko’t ayan na naman ang lahing pari,

Ang inyong lingkod para bang gustong itali,

Nagpapatawa lang po nasan ang kiliti?

Ngiti! mukha kayong ‘di natabas na _ _ _ _!

 

Mukhang walang tinungo itong pagsusuri

Kundi sa mga dayuhan tayo’y makiri,

Dalangin ko na lamang sana manawari

Isang mayamang bansa ang sa’tiy yumari.

* * *

Here’s another verse I wrote on the day Francis Magalona died —

Francis Magalona was a dear little brother

Naughty and nice; chameleon and fox altogether

But his colorful style and smile are here no longer

The master rapper has wrapped up to meet his master.

* * *

And last Saturday (March 7) on Startalk, I closed with, “Luzon, Visayas, Mindanao … FrancisM - less na!”  

Pareng Kiko, I love you. Kung may telebisyon sa langit, manuod naman kayo mamaya ng Joey’s Quirky World bago mag-S.O.P. sa Channel 7. At ‘wag mo ring kalilimutan ang Wow, Mali! ha, mamayang 6 p.m. sa TV-5.

Pare ko, bigtime ka na talaga! Dabarkads mo na ngayon sila Pareng Elvis Presley, sila Tupac, at ang isa sa idols mo, si Frank Sinatra. Pakitanong mo nga d’yan kung bading talaga si Alexander The Great at kung si Hitler nga ay supot!

Show comments