Dear Dr. Love,
Sumulat ako sa inyo dahil sa mabigat kong problema sa aking boyfriend na ipinapahiya ako kahit sa harap ng maraming tao. Tawagin mo na lang akong Renalyn, 19 anyos.
Eighteen years old lang ang boyfriend ko at kapag may hindi siya nagustuhan sa ginagawa ko ay mumurahin ako kahit kaharap ang tropa.
Minsan sa dinaluhan naming debut ng kaibigan namin, may katropa kaming nag-joke at nang magawa ko ay tiningnan ako ng masama ng boyfriend ko at sinampal at minura. Hindi raw ako disenteng kumilos.
Paano ko siya mababago?
Renalyn
Dear Renalyn,
Ano ba ang ipinakain sa iyo ng lalaking iyan at ayaw mong hiwalayan?
Huwag mo nang hangarin na mabago siya, hiwalayan mo na dahil peligrosong mapangasawa ang ganyang lalaki.
Baka kapag mag-asawa na kayo ay gawin kang punching bag.
Wala ka na bang makitang ibang lalaki na mabait?
Look around at idispatsa mo iyan!
Dr. Love