Dear Dr. Love,
I hope you are in the best of health upon receiving my letter.
Ako po si Irma, 19 anyos at college student. Mayroon akong boyfriend for two years, at akala naming dalawa ay kami na nga. Mayroon na kaming future plans kapag natapos kami sa college at nagpakasal na.
Mahal namin ang isa’t isa at pati mga parents namin ay acquainted na.
Kaso, nang pumasok ang second sem last year, may bago akong kaklase na nanligaw sa akin. Nung una ay ‘di ko pansin pero habang nagtatagal, ‘di ko namalayan na nagiging close kami. Hanggang sa sinagot ko siya. Naging dalawa ang boyfriends ko at hindi sila nagkakaalaman.
Nagkakaroon tuloy ako ng guilty conscience. Ramdam kong mas mahal ko ngayon ang bago kong boyfriend although mahal ko pa rin ‘yung una. Ano ang dapat kong gawin?
Irma
Dear Irma,
Having two boyfriends at one time is being unfair to both guys.
Kung sino ang mas mahal mo, ‘yun ang panatilihin mo at makipag-break ka sa isa.
Sa tagal ng relasyon ninyo nung una, maaaring mahirap gawin pero iyan ang tamang gawin.
To begin with, bago mo sinagot ang boyfriend mo ngayon ay dapat sana’y nakipa-break ka sa una. Pero naririyan na iyan kaya ituwid mo na agad ang pagkakamali mo.
Dr. Love