Muling nag-krus ang landas

 Dear Dr. Love,

Isa pong taos-pusong pagbati sa inyo at ikinalulugod kong makapagpadala ng liham sa sikat ninyong column.

Nais ko pong humingi ng inyong payo at pabor para magkaroon ng maraming ka­ibigan sa panulat. Isa po akong bilanggo at kung papalarin, nalalapit na ring makalaya. Nakulong po ako dahil napatay ko ang lala­king naaktuhan kong katalik ng asawa kong si Carmela.

Unang nangyari ang nakita kong pagta­talik nila. Pinalayas ko po ang aking asawa at ipinaubaya na sa kanyang lalaki. Parang puputok po ang dibdib ko sa galit.

Wala akong kamalay-malay na nagpapa­kasasa ang dalawa sa pinagpaguran ko sa abroad, na ipinapadala ko kay Carmela.

Gusto ko pong makalimot, kaya nagpakalayo ako. Pero nag-krus ang landas namin ng lalaki ni Carmela at sa pagkakataong ito ay iba na ang kasama niyang babae.

Hindi ko matanggap na niloko ako ng aking asawa dahil sa kanya, na nanloloko rin pala sa aking asawa. Nagdilim ang aking pani­ngin at napatay ko siya sa ngitngit.

Hindi ko naman po sinayang ang panahon ko dito sa bilangguan. Nakatapos na ako ng high school kaya nasa kolehiyo na ngayon.

Tamang-tama lang, na bago pa ang pag­laya ko, tapos na ako sa pag-aaral.

Maraming salamat, Dr. Love. 

Your avid fan,

Warson Fontienila

Student Dorm 4-D College

 MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Warson,

Magandang panimula sa pagbabagong-buhay ang maging positibo sa pananaw at ito ang nakikita ko sa iyo.

Magpatuloy ka lang sa iyong mabuting hangad at kasama mo ang pitak na ito sa panalanging makatagpo ka ng maraming kaibigan, na maaaring maging inspirasyon mo sa buhay.

Dr. Love

Show comments