Magulang o puso?

Dear Dr. Love,

Call me Andy, 32 years old. Isa akong businessman na mayroong auto supply business.

May problema ako sa pag-ibig at sana’y matulungan mo ako. Mayroon akong girlfriend. Tawagin mo na lang siyang Ching, isang pure Chinese.

Isang malaking supplier ng mga gamit sa sasakyan ang business ng mga magulang niya at diyan kami nagkakilala. Sa kanila ako kumukuha ng mga paninda.

Gusto na sana naming magpakasal pero tutol ang mga parents niya. Ganyan pala ang kulturang Tsino. Sabi ni Ching, mahal niya ako pero dapat siyang sumunod sa magulang at kung hindi ay madi-disinherit siya o aalisan ng mana at itatakwil pa.

Palihim pa rin kaming nagtatagpo ni Ching. Ano ang dapat naming gawin?

Andy

 

Dear Andy,

Dapat si Ching ang sumagot niyan. Ano ang dapat niyang gawin? Sino ang pipiliin? Ikaw ba na sinasabing mahal niya o ang kanyang mga magulang?

Kung mahal ka niya, walang halagang ma­walan siya ng mana o itakwil. Pero hindi ko saklaw ang nararamdaman niya at siya lamang ang makakapagdesisyon sa bagay na iyan.

Sa susunod na mag-uusap kayo, iyan ang itanong mo sa kanya. Tutal, negosyante ka at alam kong kaya mo na siyang buhayin.

Dr. Love

Show comments