Hinaing ng OFW

Dear Dr. Love

I hope this letter reaches you at a time when you’re happy and no problem.

Tawagin mo na lang akong Loraine, 20 anyos at isang OFW dito sa Dubai. May iniwan akong ka-live-in sa Pilipinas two years ago. Tiwala ako sa kanya dahil nagmamahalan kami. Sa kanya ko inire-remit ang aking suweldo.

Ngunit ibinalita sa akin ng pinsan ko na may ibang babae ang boyfriend ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Alam ko kasi na love ako ng aking boyfriend.

Hindi ko naman mausisa ang boyfriend ko sa takot na malaman kong totoo ang ibina­balita ng pinsan ko. Ano ang gagawin ko?

Loraine

Dear Loraine,

Ganyan ka ba kahibang sa pag-ibig at sa ka-live-in mo ipinadadala ang kinikita mo kahit ‘di kayo kasal. Sabagay, wala akong karapatang makialam sa iyo ngunit dahil humihingi ka ng payo, ito masasabi ko.

Eh kung ‘yung mag-asawa na nga ay nagkakalokohan pa, kayo pa kaya na ‘di kasal?

Hindi ko alam kung ano ang plano ninyo pero kung ako ang tatanungin, hindi dapat i-remit sa kasintahan mo ang iyong sahod diyan at baka laspagin sa ibang babae.

Dr. Love

Show comments