Barbie Doll

Dearest Dr. Love,

Pleasant day. Sana mapaunlakan mo ang sulat ‘kong ito. Tawagin mo na lang akong Barbie Doll, 18 years old.

Ligawin ako dahil sabi nila cute raw ako at malakas ang appeal.

Nagkaroon na ako ng tatlong boyfriends pero not serious naman. Madali kasi akong makipag-break.

Mayroon pong nanliligaw sa akin ngayon na 32 years old. Hindi naman halatang 32 dahil magaling magdamit at mag-ayos.

Kailan ko lang siya nakilala through a common friend. Parang sa damdamin ko ay mahal ko siya. Kaso ‘di ko pa alam ang buo niyang pagkatao. Baka kasi may asawa na. Ano ang dapat ‘kong gawin?

Barbie Doll

Dear Barbie Doll,

Tama ka. Dapat alamin mong mabuti ang pagkatao niya. Sa edad niyang 32 hindi malayong may pananagutan na siya.

Pero don’t jump into conclusion at mag-im­bestiga ka upang personal na malaman ang pagkatao niya. Tanungin mo ang inyong mutual friend. Establish other contacts na nakakakilala sa kanya.

Mabuti naman at kahit bata ka sa edad ay hindi ka kaagad sumusuong sa mga bagay na dapat pag-isipang mabuti.

Dr. Love

Show comments