Dear Dr. Love,
Hello po at bumabati na rin ako sa mga loyal readers ng iyong column.
Please, huwag mo nang sabihin ang totoo ‘kong pangalan. Just call me Winnie, 19-anyos na po ako at “Winnie” ang pinili ‘kong alias dahil I always win what my heart desires.
Kapag may natipuhan akong lalaki, siguradong mapapasa-akin. Inggit nga ang mga katropa ko dahil may gayuma raw ako. Hindi naman siguro kundi talagang maganda lang ako, naks.
Pero lately, mukhang nasira ang batting average ko sa mga lalaki. May crush ako. Tawagin mo na lang siyang Raymond. Guwapo siya sa lahat ng nagustuhan kong lalaki. Pero kahit anong pa-charming ang gawin ko ay hindi tumatalab.
Minsan, napahiya ako sa mga barkada ko nang sabihin niya na maganda ako pero hindi niya ipagpapalit ang siyota niya sa akin. Kilala ko ang siyota niya. Hindi naman pangit pero I know mas maganda ako.
Masakit ang loob ko sa nangyari. Ano ang advice mo?
Winnie
Dear Winnie,
To be frank with you, aral iyan sa iyong kayabangan para bumaba ka ng bahagya. Isa pa, napakalaswa sa isang babae ang kumikirengkeng sa lalaki. Kung totoong maganda ka, hindi na dapat magpa-charming dahil lalaki ang kusang lalapit sa iyo lalo pa’t nakikita nilang hindi ka lang maganda kundi mahinhin pa. Magpalit ka na ng alias. Huwag nang Winnie kundi Lucy as in looser. Hindi sa nang-iinsulto ako sa iyo pero gusto lang kitang magbago. Iha, baguhin mo na ang palso mong ugali.
Dr. Love