Lesbian pero nagpakasal sa lalaki

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa alias na Lorie, 25 anyos­ at may asawa.

Noong dalaga pa ako, marami akong manliligaw pero hindi ko pinapansin dahil pusong lalaki ako. In other words, tomboy.

Nang makilala ko si Ricky, naging best friend ko siya. Nanligaw siya sa akin pero ang sabi ko’y friend lang ang turing ko sa kanya dahil ako’y isang t-bird.

Pero mapilit siya. At dahil sa kauudyok sa akin ng mga parents ko na mag-asawa na, naisip kong “why not give it a try.”

Twenty-three anyos ako nang magpakasal kami ni Ricky. Nagkaroon kami ng isang anak na ngayo’y magdadalawang-taon gulang na.

Ngunit pilitin ko mang mahalin nang tunay si Ricky ay ‘di ko magawa dahil hanggang ngayon ay sa babae pa rin ako nagkakagusto. Ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng lesbian relationship at nangangamba ako na baka kung kailan ako may asawa ay saka pa mangyari sa akin ito. Ano ang gagawin ko?

Lorie

Dear Lorie,

Isipin mo na lang na labag sa kalooban ng Diyos ang pakikipagrelasyon nang magkatulad ang kasarian. Hindi kasalanan kung lumaki ka man na may ganyang damdamin basta’t hindi ka bumibigay sa tuksong makipagrelasyon sa kapwa mo “eva.” May asawa ka na at isang anak, pahalagahan mo na lang ang iyong pamilya kaysa damda­ming mali na naghahari sa iyo.

Dr. Love

 

Show comments