Dear Dr. Love,
Just call me Jenjen, 21 years old. May boyfriend ako for one year na kinalasan ko for another guy. Tama ba ang ginawa ko?
Nag-board kasi ako sa isang bahay at dun ko nakilala ang guy na anak ng may-ari. Naging close kami at nag-share kami ng room. Pumayag naman ang mga parents niya.
Dahil mabait sa akin ang mga parents niya at mabait din siya, nagkagustuhan kami. May nangyari na sa amin pero after a while, nagpunta siya sa Dubai para magtrabaho. Sabi niya pakakasalan daw ako pagbalik niya kung magko-convert ako sa kanyang religion.
Dito ako naguguluhan. Tototohanin kaya niya ako?
Jenjen
Dear Jenjen,
Hindi pag-ibig iyan kundi kapusukan. Natural na magkagustuhan kayo dahil nagsalo kayo ng room. At napakakunsintodor naman ng magulang ng lalaki na payagan ang ganyang arrangement.
Paano kung nabuntis ka, eh di ikaw ang lugi kung hindi ka pakasalan? Saka mabigat na kondisyon ‘yung magpapalit ka ng relihiyon para sa kanya. Laging prayoridad natin ang pananampalataya.
Narinig mo ba ‘yung sinabi ni Shamcey Supsup nang tanungin siya sa Miss Universe Pageant? Hindi niya ipagpapalit ang Diyos kahit sa minamahal niyang boyfriend.
At sana, hindi mo ipinauubaya ang iyong pagkababae sa sino man kung walang kasal. Kasalanan iyan.
Dr. Love