Naghahanap kapag nalalasing

Dear Dr. Love,

Binabati kita ng isang magandang araw at pagpalain ka ng ating Poong Maykapal. Dr. Love, ang problema ko po ay ang nangyayari sa akin kapag nalalasing, naghahanap po ako ng ka-sex. Hindi ko po mapigilan ang sarili ko.

May isang anak po ako na bunga ng kapa­ngahasan ng nag-ampon sa akin, asawa siya ng tiyahin ko. Naging sandalan ko ang alak para makalimutan ang bahaging ito ng buhay ko. Pero nagtataka po ako dahil parang nagi­ging manyakis ako kapag nalalasing.

Hindi ko naman po gusto ang seryosong relasyon dahil natatakot ako na malaman ng iba ang aking lihim at ikadismaya nila ito.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Gusto kong makaiwas sa tukso at hindi makasira sa buhay ng ibang pamilya.

Ikaw lang po ang inaasahan kong makakatulong sa aking problema. Nawa’y sa pama­ma­gitan ng iyong column, magkaroon ako ng mga kaibigan na may busilak ang puso na handang tumulong sa isang tulad ko na naliligaw ng landas.

Mabuhay po kayo at ang buong Pilipino Star Ngayon.

Gumagalang,

 Jowan Zomil

09303888713

09165433700

jowanzomil@yahoo.com

Dear Jowan,

Nagkaroon ka trauma sa ginawang pagmomolestiya ng asawa ng tiyahin mo. Ang hindi mo sinabi kung anong edad ka dumanas ng ganitong insidente at kung sinampahan mo ng kaso ang tiyuhin mo.

Ang pagdepende mo sa alak para makalimot sa iyong naging karanasan ay hindi makaka­tulong sa halip makapagdudulot lamang ng higit na kapahamakan sa iyo. Ang kailangan mo ay tulong mula sa ispesyalista sa isip, psychologist o psychiatrist. Usually, ang mga biktima ng rape ay pumapailalim sa therapy.

Tulungan mo ang iyong sarili na magbago. Tantanan mo ang alak dahil hindi ito maganda para sa isang guro. Subukan mong lumapit sa tanggapan ng DSWD sa lugar ninyo at doon ka magtapat ng problema mo.

Dr. Love

Show comments